Ingat kayo…sa dentista.

Ahahahaha ewan ko kung matutuwa ako o matatakot pag ganito ang sign ng clinic ng dentista ko ahahaha kayo gusto nyo? ahehe
Maraming salamat kay Steph para sa litratong to!
Categories: true to life Tags:
Ingat kayo.
Eto na naman. May panibagong banta na naman sa ating kaligtasan. Ewan ko ba kung bakit kailangan pang magkagulo-gulo. Kaya ayaw ko sa politika e.
Sa kampo ni Trillanes, alam kong napakaganda ng inyong hangarin, at ito ay para sa bayan, pero sana wag na tayong gumamit ng dahas para makamit ito. Mabuhay ang inyong mga hangarin. Pero hindi ang inyong pamamaraan.
Kay Gloria, bumaba ka na kasi. Gusto mo buhatin pa kita pababa ng upuan kung di mo maabot ang sahig.
Sa ating mga readers at lahat ng Pilipino, pasensya na at medyo seryoso ang Greenpinoy sa sulat na ito. Pero sa mga ganitong panahon, hindi ko maiwasang malungkot at matakot, para sa bayan at para sa sarili ko. Malungkot at natatakot ako para sa bayan dahil hindi na naman tayo ligtas, at maaaring may mga masaktan ulit. Malungkot at natatakot ako para sa sarili ko dahil baka nawalan na ako ng pag-asa, baka wala na akong magawa at baka nga wala na akong pakialam.Â
Ang magagawa ko nalang siguro ngayon ay umasa na wala ni isa sa inyo, aking mga kaibigan at inyong mga pamilya ang masaktan o mapamahamak dahil dito. Mag-ingat kayong lahat.
Mabuhay ang Pilipino. Mabuhay ang kapayapaan.
Categories: kwento kwento lang Tags:
Ang Arinola Gallery! (as of 11.29.2007)
Hindi ko alam kung bakit hindi ko ma-edit yung original gallery, kaya eto, may bagong post!
Ang pinaka bagong nagsubmit ay ang kaibigan nating si Jeckass!
Â
Syempre galon galong suka na naman ang lumabas mula sa aking bibig. Ahahaaaay!
Hindi pa huli ang lahat! Pwede pa kayong magsubmit ng pictures nyo!
Categories: Arinola Gallery Tags:
Ang Catwoman na Duling at Bungal, Bow.

Ahahaha nakakaloko yung itsura nya diba?
Nakuha ko to ng libre sa isang tindahan kung san ako bumili ng maraming laruan! Para makita nyo ang mga bago kong laruan, punta lang sa To the Batcave!
Categories: kwento kwento lang Tags:
Si Jun
Kinuwento sakin to ng ating kaibigang si Kidlat! Napanood daw nya sa isang pelikula pero di nya sinabi ang title ahehe
Sa isang bar:Â
Bading: Anong pangalan mo?
Lalaki: Jun.
Bading: Bakit Jun? Kasi Junior?
Lalaki: Hindi. Kasi Junathan!
-
Wahahahahaha Junathan!!! LOL salamat Pareng Kidlat!
Categories: badingky-winky, kwento kwento lang Tags:
Setting na naman?!
Ano ba. “Set” na ba talaga? Mali na ba ang “sit”?
Maraming salamat kay PoisonKamil para sa litratong ito!
Categories: true to life Tags:
Mas maraming kamukha!
Nagbigay sa akin ng link si Kennyjunkie, at ayun sa site na to, eto ang mga kamukha ko! Mas malabo ata ahahahaha
| http://www.myheritage.com/collage |
Categories: kwento kwento lang Tags:
Kamukha ko ba talaga sila?!
Tapusin na natin ito once and for all haha maraming tao ang nagsasabi sa akin na ang mga sumusunod na tao daw ay kamukha ko. Mula kinder, elementary, high school, college, sa trabaho, dito sa greenpinoy.com at lalong lalo na sa YouTube.
Sa tingin nyo, totoo ba?!
Ito ako ngayon:
 Ito ang mga kamukha ko daw:
Si Bam Romana ng PBB!
Sa totoo lang, naniniwala akong kamukha ko sya, lalo na nung bata-bata pa ako hehe
Si Vandolph!
Siguro nung mataba pa sya ahehehe
Si Bobby Lee ng Mad TV!
Lahat nalang ng singkit at mataba kamukha ko na. Haaay buhay hahaha
Si Gabe Mercado! Ok ka ba tyan?!
Isa pa to. LOL
Si Senator Bong Revilla Jr.!
Nako baka ma-in love sa akin si Lani! Wetot.
Si Gerard Salonga!
Mas kagalang-galang naman sya…ahehehe
Pati si Jackie Chan!
Hindi rin!!!
Si Mr. Shooli…
Parang ayoko na tumanda…LOL
At eto siguro bulag yung dalawang taong nagsabing kamukha sya. Si Drew Arellano.
Ito sobrang labo na talaga! Ahahaha!
Categories: kwento kwento lang, pang showbiz! Tags:
Paboritong mapangasawa!
Tanong: Bakit Bisaya ang paboritong mapangasawa ng mga babae?
Sagot: Kasi matigas ang dila nila!
-
Wahahahaha!!! Sigurado ako pati mga tomboy rin!!!
Categories: tanong at sagot Tags:
Pasukan ng Donut!
Ayos tong pinadalang picture ni John Killer! Hahaha naalala ko tuloy yung commercial ng tindero ng donut. “Donut Buy! Donut Buy!” hahahaha maraming salamat John Killer at sana makita ito ng dean ng eskuwelahan mo! hehe
Categories: true to life Tags:
Categories: youtube videos Tags:
Inday Poetry
Ahahaha natanggap ko to mula kay John Kenji. Ingles ang mga salita pero pag binasa mo, aba nagiging tagalog! Huwaw!!! Basahin nyo ang kwento ni Inday at kung pano sya na…laspag. Maraming salamat John Kenji!
Last Fog Sea In Die
Thing none knew see in die
Who bought who bad
The hill key none taught see in die
Last fog see in die.
Fog must done know see who one
Thin knee tea gas sun
Cash sea see in die
Who bought who bad
Bull ball money peace.
In knee love bus knee who one
Dean act money in die
Key knee league see who one
The hill be not tea knee in die
Knee love as son see who one
Be thin see in die!
See in die at see who one
I sad young knock khaki key league
The hill be thin see in die
Nag sar really nah lung….
Categories: inday Tags:
Ano ang sinasabi ng batang ito?

Sa tingin ko ang sinasabi nya ay:
“Bwisit ka. P*tang ina mo kuyaaaa.”
Kasi galit sya sa kuya nya. Oo. Yun yun! Kayo, anong basa nyo sa bibig nya? Ahehe
Categories: batang makulit Tags:
Marimar, Aw!
Kilalanin ang pinakabagong leading man ni Marimar, si…Â
Manny Pacquiao!!! Awwwwww!
-
Maraming salamat kay Carol para sa picture ito!
Categories: pang showbiz! Tags:
Violetish!
Kwento to ng aking irog sa akin kagabi. May kaklase daw kasi syang ubod ng TH kung mag-ingles nung nasa elementary pa sila. Itatago natin sya sa pangalang “Ricci”.Â
Guro: Ok class, each of you should name a color. Let’s start with you Joboy.
Joboy: Red!
Wowee: Blue!
Spencer: Green!
Nung si Ricci na, halos lahat na ng kulay ay nabanggit na.
Guro: Well, Ricci?
Ricci: Um…*nag-isip sandali*Â Violetish light!
Wahahahahahahaa ang galing! LOL mula ngayon yun na ang favorite color ko, ang VIOLETISH LIGHT!
Categories: ay sablay!, true to life Tags:








