Archive for October, 2007

Pinakabagong mga Salawikain!

Wednesday, October 31st, 2007

1) Kapag maiksi ang kumot, sa baby ipagamit!

2) Papunta ka palang, sige, ingat!

3) Laging nasa huli ang pinakamatangkad.

4) Pag may usok, kawawa ang may hika!

5) When the cat is away, sabihin mo lang “wiss wiss wiss” para lumapit.

6) Sa hinaba-haba ng prusisyon, ayun, traffic!

 Ahahaha kulet!!! Maraming salamat kay Jundee para sa mga to! :)

Ang Buhay ni Bertong Libag

Tuesday, October 30th, 2007

Ganito lang ang gagawin natin, magkwekwento ako, itutuloy nyo sa comments gamit ang isang daang salita o mas konti pa (tama ba? basta 100 words or less ang gusto kong sabihin haha). Hindi pwedeng magcomment ng hindi katuluyan ng mas naunang comment, para tuloy tuloy ang kwento. Uumpisahan ko! :)

Ang Buhay ni Bertong Libag

Isang madilim na gabi sa Baryo Tiktik, may isang batang pinanganak. Ang batang ito ay medyo kakaiba ang kulay ng balat. Hindi sya maitim, hindi rin naman kayumanggi.

“Pedro, tignan mo ang anak natin, kulay libag!”, sambit ng ina nyang si Beauty.

“Beauty, alam ko na ang ipapangalan natin sa kanya!”, tuwang tuwa na sabi naman ng ama nya.

“Ano yun?” tanong ni Beauty

“Berto!” sigaw ni Pedro.

-ituloy mo na!-

Ang lungkot!!!

Monday, October 29th, 2007

Naglalakad ako isang araw at muntik na akong maiyak (ang OA! ahaha) ng makita ko to sa daan. Para bang ang lungkot lungkot nyang maging takip ng imburnal.

saddy.jpg

Sobrang cute hahahaha yun lang :)

Sakit ng tyan

Monday, October 29th, 2007

Juan: Dok, bakit ganon, pag umiinom ako ng beer, sumasakit tyan ko! Pero pag libre naman, hindi!

Dok: Simple lang. Sikmura mo, manipis, mukha mo makapal.

Ang bundok na nakakapilay

Sunday, October 28th, 2007

Tanong: Anong bundok ang nakakapilay?

Sagot: Eh di bundok ng ebs.

Ahahaha bakit? Kasi kung nakaapak ka ng ebs, sigurado iika-ika ka!

Taxi, taxi!!!

Sunday, October 28th, 2007

Nung isang gabi sumakay ako ng taxi. Medyo traffic non kaya maraming street vendors. Tinawag ng taxi driver ang isa sa kanila.

Taxi driver: Boss, meron kang Extra Joy?

Vendor: Wala po.

Nang umalis ang vendor, tinanong ko sa driver kung ano yung binibili nya.

Ako: Manong, ano nga yung binibili mo?

Taxi driver: Extra Joy! Yung energy drink!

Ahahahaha!!! Extra Joss pala :)

The Elevator!

Saturday, October 27th, 2007

elevator.jpg

Meron bang elevator na nagle-left and right? Wala naman. Up and down lang naman talaga. Ahahahahah ewan!!!

Salamat sa ate kong si Mats para sa picture na to! :)

Na-rape si Inday!!!

Saturday, October 27th, 2007

Isang gabi nagpa-alam si Inday para maglaro sa labas ng bahay.

Inday: Nay, maglaro lang ako diynan sa labas ng bahay.

Nanay: Wag na anak, gabi na at baka magahasa ka pa!

Inday: Wag po kayo mag alala nay! Balot sa bakal ang panty ko!

Nanay: O sige anak mag-ingat ka!

Pagkatapos maglaro ni Inday…

Inday: Nay!!! Na-rape po ako!!! Huhuhu

Nanay: Ha?! E akala ko ba balot sa bakal ang panty mo?

Inday: Meron kasi syang malaking abrelata!!!

Unconscious!

Friday, October 26th, 2007

Tanong: Anong gagawin mo pag nakakita ka ng isang taong unconscious sa daan?

Sagot: Titigan mo, para ma conscious! Nyahahahaha

Beautiful Girl

Thursday, October 25th, 2007

Woooohooo!!! Nilagay ni Prince Arthur ito sa cbox. Gusto ko lang i-immortalize dito hahaha grabeng murder ito!!!

“Your beautiful girl That why you are is world And your the Suicidal Suicidal when the lifes is over…”

Para daw kay PB ang kantang to :) malamang si PB ang maging suicidal! Ahahaha

In na in!!!

Wednesday, October 24th, 2007

Juan: Pare, anong hayop ang in na in?

Pedro: Ano pare?

Juan: Bear!

Pedro: Bear? Bakit bear?

Juan: Kasi OSO pare, OSO.

Makunat na Crispy Noodles

Wednesday, October 24th, 2007

Mahilig ako sa Chinese food, kaya nung isang araw, kumain ako sa isang Chinese restaurant na itatago ko sa pangalang Luk Yuen, Magallanes branch.

Ang order ko, Crispy Noodles with Shredded Pork! Wow sarap! :) Ayun, sarap na sarap ako sa pag kain, malapit ko ng maubos ang pagkain ng may makagat akong medyo makunat. Kinagat ko uli baka naman makuha sa pangalawa. Makunat talaga. Inisip ko baka noodle lang na hindi nalutong mabuti. Kinuha ko mula sa bibig ko yung makunat. Anak ng crispy noodles, pagtingin ko sa nakuha ko, PALITO NG POSPORO!!! At hindi lang yon, nasindihan na ito! Hay buti nalang di ko nilunok!

Ayun kinausap ko yung manager. Tapos hindi na ako pinabayad. Yun lang LOL

Say it, it’s cute!

Tuesday, October 23rd, 2007

buble.jpg

Say it!!! Byuuuuuble. Byuuuuuuuble! Byuuuuble with whistle! LOL cute no?

Ang Hula!

Tuesday, October 23rd, 2007

Manghuhula: Magiging mapalad ka sa larangan ng sex!

Juan: Talaga?! Marami akong makakatalik?!

Manghuhula: Hindi, puro palad mo lang.

-

Wooohooo bate bate bate bate bate bate LOL

Thermometer vs Graduated Cylinder!

Tuesday, October 23rd, 2007

thermgrad.JPG

Sabi ng thermometer sa graduated cylinder:

“Eh ano naman kung grumaduate ka na? May degree ka ba?!”

Mais!!! LOL pero tawang tawa ako. Maraming salamat kay Maggie para sa joke na to! :)

Makabagong Kabadingan, este, Kasabihan

Monday, October 22nd, 2007

1) Aanhin mo ang gwapo, kung mas malandi pa sayo?

2) Walang matinong lalake sa malanding kumpare!

3) Wala ng hihigit pa sa malansang isda…kundi ang isang baklang balahura!

4) Sa hinaba-haba ng prosisyon, bading din pala ang iyong karelasyon!

5) Ang tumatakbo ng matulin…may gwapong hahabulin!

6) Matalino man ang bading, napeperahan parin!

Ahahaaaay ang kulet LOL maraming salamat kay Risa para sa text na to! :)

To the BATCAVE!

Sunday, October 21st, 2007

 banner1smaller.jpg

Mahilig ako sa lauran. Fan ako ni Batman. Kaya natural lang mangolekta ako ng mga laruan ni Batman LOL

Heto na ang aking blog na naglalaman ng aking Batman action figure collection! :) Medyo dinugo lahat ng pwedeng duguin sa akin kasi ingles ang gamit ko dito! LOL Sana mag-enjoy kayo! :)

Wooohoooo! To the BATCAVE!!! 

Typo kung typo!!!

Saturday, October 20th, 2007

snoopi.jpg

Ahahahaaaay! Si Snoopi yung aso ni Harlie Brown! LOL

Maraming salamat para sa picture Nina! :)

Sizzling sisig!

Saturday, October 20th, 2007

Junior: Tay wala na naman tayong ulam!

Tatay: Mahirap ngayon ang buhay anak. Tiis muna tayo, isipin mo na lang bawat subo mo na sasabihin ko ulam yon!

Junior: Sige tay!

Tatay: Nilagang baboy!

Junior: Mmmmm! Sarap!

Tatay: Sizzling sisig!

Junior: Huhuhuhu!

Tatay: Bakit ka umiiyak anak?!

Junior: Ang anghang kasi ng sisig tay!

Batman and Robin…

Friday, October 19th, 2007

batrobkiss.jpg

Sitting on a tree,

K-I-S-S-I-N-G!!!

Ahahahaha! :)

Natira ko na nanay mo!!!

Friday, October 19th, 2007

May dalawang lalaki sa isang bar, nag-iinuman.

Lalaki 1: Hoy! Natira ko na nanay mo!!!

Hindi kumibo si Lalaki 2.

Lalaki 1: Hoy! Hindi mo ba ako narinig? Sabi ko, natira ko na nanay mo!

Lalaki 2: Lasing ka na. Umuwi na tayo tay.

Happy Birthday Boneng!

Friday, October 19th, 2007

bonengbday.JPG

Sana ay magpa-inom ka pag-uwi mo! Ahehehe :)

Pinoy ka, sigaw na, sige!

Thursday, October 18th, 2007

Oo! Sigawan mo ang lalaki sa litrato ng

“Hoy duwag! Humarap ka!”

weewee.JPG

Ahahaha siguraduhin mo lang na malayo ka kasi baka nga biglang humarap eh ikaw pa ang maihian. Ew. Ahaha :) 

Kiso!

Thursday, October 18th, 2007

Pedro: Anong palaman ng tinapay mo?

Juan: Kiso!

Pedro: HAHAHA! Kiso? Ano ka ba bisaya?! Hindi yan kiso! Chess yan. CHESS!!!

-

Maraming salamat kay Rosalie para sa joke na to! :)

Puto with…

Wednesday, October 17th, 2007

Kanina nag merienda kami ng ate ko, ang isang buwang gulang nyang anak at si yaya Luz sa isang restaurant sa Greenbelt. All you can eat ang merienda, at sa sobrang kabusugan ko, isa lang sa apat na pirasong puto na kinuha ko ang nakain ko.

Ako: Luz, kainin mo tong isang puto (sabay lagay ng puto sa plato nya).

Kinain nya ang puto, pero biglang umasim ang mukha nya at sabi nya:

“Ser, bakit lasang kalamansi?”

Ahahahaha hindi ko napansin na humalo pala sa puto yung kalamansing piniga ko sa pancit. Hindi ko makalimutan yung mukha nya at yung pagkakasabi nya ng “Ser, bakit lasang kalamansi?”. Ahahaha hanggang ngayon habang sinusulat ko to e tawang tawa parin ako.

Rush hour sa probinsya

Wednesday, October 17th, 2007

Nakuha ko itong litratong to mga limang taon na ang nakalilipas. Paakyat ito ng Baguio.

rushhour.jpg

Pag dating sa Baguio, isa nalang ang nakasabit. Nalaglag na yung iba sa bangin habang tumatakbo ng 150kph ang jeep sa may zigzag ng Kennon Road. Nyahahahaha! Biro lang. Dalawa silang naiwan.

Ganito humingi ng donasyon

Wednesday, October 17th, 2007

Pari: Ang gustong magbigay ng donasyon sa simbahan, tumayo pagtugtog ng organ. Sige iho, tugtog na.

Organista: Father, ano po ang tutugtugin ko?

Pari: Lupang Hinirang iho.

Happy Birthday Clare!!!

Tuesday, October 16th, 2007

clare.jpg

Sana naman magpakain ka na!!! LOL :) Love you! Ang wish ko para sayo ngayong taon e…same as before…sana tumubo na! LOL joke lang!!! Happy birthday ulit! :)

Pag namatay ang alaga nyo…

Monday, October 15th, 2007

dalhin nyo lang dito sa tirahan ko! May memo na binigay sa lahat ng residents kanina at napatambling ako sa point number 3! Pwede pagmunimunihan ng alaga nyo ang nakaraan nya dito. Pwede ring muli syang mabubuhay ahahahaha Eto yung memo:

dscn1204.JPG

(ngayon alam nyo na kung san ako nakatira LOL)

Napuyat!

Monday, October 15th, 2007

Babae: Napuyat ako kagabi!

Lalaki: Bakit naman?

Babae: Nanaginip ka kagabi. Tapos nagsasalita ka. Puro pangalan ng mga babae ang sinasabi mo!

Lalaki: O pano ka napuyat?

Babae: Kaka-antay ng pangalan ko!

Mga Babaeng Mabayag (huuuwaaaat?!)

Sunday, October 14th, 2007

Oo! Sa Pangasinan, maraming babae dun ang mabayag! Sinabi kong marami kasi hindi naman lahat ng mga kababaihan sa Pangasinan e mabayag. Marami di namang normal lang.

Siguro ini-isip nyo kung paano naging mabayag ang mga babae don. Simple lang. Dahil pag asa Pangasinan ka, at sinabihan kang “mabayag”, eh dapat bibilisan mo lang ang kilos mo. Kasi ang ibig sabihin ng “mabayag” sa Pangasinan e hindi may betlog, kundi “mabagal” lang :)

Yung betlog e sa Pangasinan “paltak”. Yun lang ahahaha

Halik!

Sunday, October 14th, 2007

Junior: Tay, pinagalitan po ako ng guro ko kanina!

Tatay: Bakit naman anak?

Junior: Eh kasi hinalikan ko po yung seatmate ko!

Tatay: Manang mana ka talaga sa akin anak! Mabilis! O masarap ba yung halik?

Junior: Opo tay! Pogi kasi sya!

Anak ng Conyong Jeep!!!

Saturday, October 13th, 2007

18-06-07_1904.jpg

Kung ang UP ay may “IKOT” jeep, ang Assumption naman ay may “TURN”.

Maraming salamat kay Jengga para sa picture na to! :)

Number 1!

Saturday, October 13th, 2007

Junior: Nay!!! Muntik na akong maging number 1 sa klase!

Nanay(tuwang tuwa): Talaga anak?! WOW!

Junior: Oo nay! Sinabi kasi kung sino ang number 1. Tinuro ng guro ko yung katabi ko! Kaya muntik na ako!

-

Maraming salamat kay Boneng para sa joke na to! :)

Makuuulaaaay, ang buuuuhaaaay

Friday, October 12th, 2007

Ewan ko lang, pero ang “Laswa” at “Panakot” ay mga salitang hindi ko gustong makita sa poster ng isang rekado ahehehe Tignan nyo tong mga litratong pinadala sa akin ng ating kaibigang si Jesse na mula pa sa palengke ng Antique! Maraming salamat Jesse! :)

antique-jesse.JPG

antique-jesse2.JPG

National Disaster

Friday, October 12th, 2007

Sino ba ang hindi bumibili sa bookstore ng bayan, ang National? Kahit nga sa mga probinsya meron na nito. Bakit ako nagsusulat tungkol sa National? May kaibigan kasi akong nag-email sa akin ng isang katawa-tawang karanasan nya sa naturang bookstore. Eto ang kwento ng kaibigan kong si Genevieve:

Kanina nagpunta ako sa National Bookstore sa Ali Mall para maghanap ng ear plugs.

Ako: Excuse me miss, may ear plugs po ba kayo?

Miss: Ano yun?

Ako: Ear plugs po.

Miss: Naku sorry (mukha pang nairita dahil na istorbo siya) wala kaming ganun, Philippine flags lang meron kami…

Wahahahahahhaahhaha flags talaga!!!

Naalala ko tuloy yung aking National disaster, siguro mga tatlong taon na ang nakakaraan.

Ako: Miss meron kayong “The Far Side” na libro?

Miss: Ano ser?

Ako: “The Far Side”.

Miss: Wala ho kaming libro tungkol sa parasite.

Ahahahahaha woooohooooo parasite! Baka may suot syang ear plugs non! :)

Ulilang pandak

Thursday, October 11th, 2007

Juan: Pedro, bakit ang pandak mo?

Pedro: Kasi bata palang ako, ulila na ako.

Juan: Eh ano naman koneksyon non sa pagiging pandak mo?

Pedro: Walang nagpalaki sa akin.

baby-14.gif

Bagong Laban ni Pacquiao at ni Morales!!!

Thursday, October 11th, 2007

pacmor.JPG

Si Vina Morales! Nyahahahahaha! :)

Huli ka!

Thursday, October 11th, 2007

Nung nagbibinata kami ng mga kaklase kong lalaki nung first year high school, paminsan minsan ay magrerent kami ng laser disc (oo, yung napakalaking cd na may side a at side b!!!) na porn at papanoorin namin sa bahay ahehe (pagpasensyahan nyo na kami, growing boys e).

May isang beses na nanonood kami, napansin kong nakakumot yung isa sa amin. At gumagalaw yung kumot. Ang ginawa ko, hinila ko yung kumot palayo sa kanya.

Ako: Huli ka! May ginagawa ka no?

Kaibigan ko: Wala a!

Ako: Eh bat ka nakatakip ng kumot?

Kaibigan ko: Maginaw e!

Ako: Eh bat bukas yang zipper mo?

Kaibigan ko (nag-isip): Mainit sa loob ng kumot.

Wahahahahahahaha!!!

Imelda M.

Thursday, October 11th, 2007

imelda1.JPG 

Imelda Monroe :)

Sa purgatoryo!

Wednesday, October 10th, 2007

Nang mamatay si Juan ay napunta siya sa purgatoryo. Duon ay pinapili siya kung saan niya gustong mag-trabaho habang nasa purgatoryo siya at kapag nakapili na siya ay iyon ang kanyang magiging trabaho hanggang may gustong pumalit sa kanya dito.

Sa unang kuwarto na pinagdalhan sa kanya ay isang kuwadra at may nagpapala ng tae ng kabayo. Ang susunod na ipinakita sa kanyang kuwarto ay may taong naghuhukay ng balon. Dahil sa tamad si Juan nuong nabubuhay pa ay hindi niya pinili kahit isa dito. Sa pangatlong kuwarto ay nakakita siya ng isang matabang lalaki na umiinom ng beer at bino-blow job ng isang magandang babae. Napalunok si Juan at hindi na nag-dalawang isip at sinabing iyon ang gusto niyang trabaho sa purgatoryo. Agad namang nagsalita ang taga-pamahala at nag-utos:

“Ikaw babae, umalis ka na diyan at may kapalit ka na!!!”

Si Superman!

Tuesday, October 9th, 2007

Tanong: Bakit “S” ang nakasulat sa damit ni Superman?

Sagot: Kasi naubusan sya ng “M”. Kaya fit.

sup.JPG

Ang shit. Bow.

Tuesday, October 9th, 2007

Boy: Nay, kinakain ba ang shit?

Nanay: Nako anak hindi! Bakit mo naman natanong?!

Boy: Kasi narinig kita, sabi mo kay tatay kagabi “Shit! Ang sarap!”

“Hey, do you have a pancher?”

Tuesday, October 9th, 2007

Pancher talaga! Hindi ko na sasabihin kung san ko narinig yan ahahahahahahaha woohooo tambling to death!!!

Presidential Quiz Part 3!

Tuesday, October 9th, 2007

gloria2123.JPG

1) Sa litratong ito, si Gloria ay

a) Contestant sa Bb. Pilipinas

b) Contestant sa Little Miss Philippines

c) Contestant sa Miss Gay Pampanga

 gloriaalin.jpg

2) “Eh di wala na!”, ito ang sagot ni Gloria sa tanong na

a) “Nasan na po ang pera ng bayan?”

b) “May pagtatalik pa bang nagaganap sa inyo ni Mike?”

c) “May pag-asa pa po ba kayong tumangkad?”

 gloria354235.JPG

3) Ang sigaw ni Gloria ay

a) “Rexona!”

b) “Darna!”

c) “Hiwalay na kami ni Mike! Yessss!”

gloriagalit.jpg

4) Galit si Gloria dahil…

a) mababa ang popularity rating nya

b) kamukha nya si Candy Pangilinan sa litratong ito

c) hindi sya galit, ina-arte lang nya ang “walaaaang himalaaaa!”

 gloriaok.jpg

5) Sagot ni Gloria ay ganito nang tanungin sya ng

a) “Ok ka lang ate?”

b) “Pano kayo nanalo sa election?”

c) “Gaano kataba yung kay Mike?”

 gloriawagayway.jpg

6) Sa litratong ito, si Gloria ay

a) nasa prayer meeting

b) nasa Wowowee

c) gustong sumagot sa tanong ng guro

May “S” sa dulo!

Tuesday, October 9th, 2007

Host: What is the national fish of the Philippines? Clue, its name starts with the letter “B”.

Contestant: Butete!

Host: Hindi, may “s” sa dulo.

Contestant: Butetes!

Ang aking desktop wallpaper :)

Monday, October 8th, 2007

Na-tag ako ni Fionixe, at ang tag ay nagsasabing dapat ilagay dito sa post ang iyong desktop wallpaper. Kaya ito ang akin! At tinatag ko kayong lahat ahehehe :) Maraming salamat Fionixe!

desktopsm.jpg

Papano kaya…

Sunday, October 7th, 2007

Kung ang salitang bading ay naging kasing normal ng paggamit ng Tagalog o Ingles?

Tignan natin ang isang situasyon ng dalawang derechong derecho at machong machong mga kalalakihan!

Derecho at Macho 1: Buhkit hindi mo chinorva ‘yung girlalu kagavlerms? Malaki naman ang susey ng lola mo ah?!

Derecho at Macho 2: Winnie Cordero nga ang susey nitech! Melanie Marquez naman sa brainwaves, wit na! Wa ko bet!

Ahahaha medyo kakaiba. Eh kung si Jaworski ganito magsalita habang nagcocoach ng isang basketball team?!

JAWORSKI: Okey, kabeks, kiver sa kalaban. Just focus, okrayin! We cannot afford to Luz Valdez anelz. Ikawzung! Kerihin mo ‘yung last free throw. Okey, go for gold to the highest level mga churva!

Wooohoooo pwede! Ahahaha maraming salamat kay Pareng gerHARD para sa mga to! :)

Kampanyerong Kuba

Sunday, October 7th, 2007

Kuba: Father tinutukso na naman po ako ng “kuba! kuba!”

Father: Hayaan mo na anak, titigil din sila.

Kuba: Alam ko na po! Mag-aaral po ako mag-karate!

Makalipas ang ilang taon…

Kuba: Father. di na po ako tinatawag na kuba!

Father: Mabuti naman anak! Ano na tawag sayo?

Kuba: Ninja Turtle po.     

 –

Maraming salamat kay Paul para sa joke na to! :)

Bisaya sa Amerika!

Saturday, October 6th, 2007

Nakakatuwa naman at may mga readers tayo mula pa sa Amerika at sa iba pang dako ng mundo na nagpapadala ng mga contribution dito sa Greenpinoy :)

Mabuhay kayo mga kababayan at maraming salamat sa pagsuporta sa Greenpinoy! :)

Itong litrato (pati narin ang title ng post) sa baba ay galing kay ”Kenkay ni Kenkoy”, malamang hindi nya tunay na pangalan pero kung tunay man nyang pangalan ito eh sorry nalang sya :) Maraming salamat Kenkay ni Kenkoy!

kenkaynikenkoy.jpg

In fairness and in fairytale (wahahaha si Lesly kasi), maganda ang kotse!


The Greenpinoy Store!

TWe're #2!

The Greenpinoy Forums!







Greenpinoy on YouTube!

Mabuhay ang Pilipinong Makulit!



The www.greepinoy.com readers' photo gallery!
The www.greepinoy.com readers' photo gallery!

Si Bertong Libag!



To the BATCAVE!!!

Jason Tengco Photography

Best Blogs in Asia

Humor Blogs - Blog Top Sites
Best Blogs in Asia

Humor Blogs - Blog Top Sites

A Pinoy Blogger

Blog Flux Directory

Add to Technorati Favorites

Pinoy Blogosphere

<textarea
Best Blogs in Asia

Humor Blogs - Blog Top Sites

A Pinoy Blogger

Blog Flux Directory

Add to Technorati Favorites

Pinoy Blogosphere

Humor Blogs - Blog Catalog Blog Directory

Proudly Pinoy!

HippoEsthetics!