Archive for September, 2007
Hindi lang si Melanie, Part 2
Friday, September 7th, 2007Hindi talaga mauubusan ng supply ng mga sablay na kung ano ano mula sa ating mga artista! Wow!
Ladies and gentlemen, presenting, the Star for All Seasons, Miss Vilma Santos!!!
-
Julie Yap Daza guesting on “Vilma!”: O Vi nag-guest na ako dito sa show mo. Ikaw, kailan ka naman mag-ge-guest sa show ko?
Vilma: Alam mo naman Tita Julie, busy kami ni Ralph sa pag-a-arrange ng kasal namin. Siguro pagkatapos na lang ng marriage!
(Ahahaaaaaaay may balak atang magpa-annul si Ate V!)
-
“Ang ganda ng gospel number na yon, napaka-enlighting! Teka… magpupunas lang ako, I’m sweatening!”
(Wow! it’s so hottening!)
Bawal Umihi sa opisina!!!
Thursday, September 6th, 2007Palit ng pwesto
Thursday, September 6th, 2007Juan: Boss pwede ba ako nalang ang papalit dun pwesto sa manager natin na kamamatay lang?
Boss: Ok lang sa akin na ikaw ang pumalit sa kanya, ewan ko lang kung papayag ang punerarya.
Milagro!
Wednesday, September 5th, 2007Juan: Father, nakita ko po si Pedrong Pilay kanina nagdarasal sa altar! Tapos, itinapon nya nyung mga saklay nya!
Pari: Isang milagro!!! Asan na si Pedrong pilay ngayon?
Juan: Andun pa po, nakadapa at dugodugo ang ilong.
Paniki!
Wednesday, September 5th, 2007Tanong: Anong tawag sa paniking mababa ang lipad?
Sagot: Lowbat.
Nyahahahahaha ang corny!!!
Closer You and I
Tuesday, September 4th, 2007Ahahahaha hindi ito para sa mahina ang puso!!! ![]()
Maraming Salamat!
Tuesday, September 4th, 2007Maraming salamat Junelle para sa napakagandang tip mo sa akin tungkol sa permalinks! Buti nalang may mga taong katulad mo na nagtuturo sa mga shungak na kagaya ko ahehehe
Salamat uli!
Patay na si Mahal!!!
Tuesday, September 4th, 2007Oo! At ang dahilan ng kanyang pagmatay ay dahil nagsuot sya ng grass skirt! Tapos nakita sya ni KingKong, ayun…ginawang sipa. Ahahaha churi churi!
Usapang walang ngipin!
Monday, September 3rd, 2007Unang boyfriend!
Monday, September 3rd, 2007Sa unang gabi ng bagong kasal…
Lalaki: Tang ina! Akala ko ba ako ang una mong boyfriend?! Bakit hindi ka na virgin?!?!
Babae: Maniwala ka sa akin! Ikaw ang una kong boyfriend! Yung mga iba, customer lang!!!
Hindi lang si Melanie!
Sunday, September 2nd, 2007Minsan nanonood ako ng tv at nalipat (nalipat lang daw) ko sa isang chismisang palabas. Ang iniinterview ay si Snooky Serna (aka Blusang Baliw). Ang mga panahong to ay yung kasagsagan ng mga intriga tungkol sa hiwalayan nila ni Ricardo Cepeda.
Host: Snooky, bakit kayo naghiwalay ni Ricardo?
Snooky: One word lang po, “irreconcilable differences”!
Ahahaaaay Snooky, two words yon!!!
Tissue
Sunday, September 2nd, 2007Erap: Tang ina! Na-iputan ako ng ibon!
Bodyguard: Kukuha po ako ng tissue sir…
Erap: Wag na! Pano mo pa pupunasan pwet non e nakalipad na? Tanga!
Listahan ng paborito
Sunday, September 2nd, 2007Amo: Indya, darating ang biyenan ko at titira sya dito ng tatlong buwan. Ito ang listahan ng mga paborito nyang pagkain.
Inday: Opo sir.
Amo: Kapag may niluto ka dyan, maghanap ka na ng ibang trabaho!
Website ng Pilipinong Makulit of the Month! (September)
Saturday, September 1st, 2007Si Chilidobo! San ka pa makakakita ng mukha ni Chavit na inilagay sa isang pamilyang respetado?! Ahehehe sa blog lang ni Chilidobo!

Mabuhay ka Chilidobo! Isa kang Pilipinong Makulit!
Away!
Saturday, September 1st, 2007Junior: Tay, gago yung mga tambay sa kanto! Napa-away tuloy ako!
Tatay: Bakit anak?
Junior: Tinawag ba naman akong bakla!
Tatay: Anong ginawa mo? Sinuntok mo sila?
Junior: Hindi tay hinampas ko sila ng shoulder bag ko. Chura nila!
























