1) Booba
Ang pinkapaborito kong Pinoy comedy of all time! Idol ko talaga si Rufa Mae haha san ka pa makakakita ng magadang vavavoom na walang arte sa pagpapatawa?
“Gatas? Gusto mo ng gatas?”
2) Jologs
Sa totoo lang, iritang irita ako kay Vhong Navarro bago ko to napanood. Pero nung napanood ko na ang Jologs, aba! Fans ko na sya!
3) Ang Tanging Ina
Basta si Ai-ai benta sa akin!
“Akala mo lang wala, pero meron, meron!”
4) Crying Ladies
Drama ba to o comedy? Ewan, basta nakakatawa silang tatlo! Ang sakit kaya mag lagay ng white flower sa mata! Ahaha
5) Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros
Isa pa to…drama ba o comedy? Pero the best yung Miss Gay beauty pageant nila! Ahahaha at yung inggiterang bakla!!! Character!!!
6) D Lucky Ones
Minus Joseph Bitangcol ahahaha Dito ko naging idol si Pokwang at si Eugene. Ang galing ng tandem nila!
“Ang ganda mo…wala sa hitsura!”
7) Kahit anong pelikula ni Kris Aquino
Drama, horror, action…kahit ano! Basta si Kris ang umarte, natatawa talaga ako!
8 ) Tiyanaks
Ang laki pala ng boobs ni Jennylyn Mercado no? Siguro iniisip nyo “Eh horror to no!”. Panoorin nyo, sigurado akong magbabago ang isip nyo ahaha
9) Bridal Shower
Ang galing ni Cherry Pie Pikachu dito. Dito rin unang sumikat si Alfred Vargas, sobrang bagay sa kanya yung role ahahaha di mo aakalaing galing Ateneo hehe
10) Ang Cute ng Ina Mo
Hindi naman ako masyadong fan ni Ai-ai at ni Eugene hahaha medyo nakaka-irita lang si Luis Manzano kasi hubad ng hubad, pero tawang tawa ako lalo na pag nag o-Australian accent si Eugene hahaha
“ITALY, I Trust And Love You!”