Archive for July, 2007

Mga bagay na sinasabi sa atin noong tayo’y mga bata pa.

Tuesday, July 31st, 2007

Hindi ko alam kung naranasan nyo ng takutin ng yaya nyo pag ayaw nyong matulog sa hapon o kaya’y pag mahilig kang maglalalabas ng bahay. Ako oo. Eto ang sampung bagay na nasabi sa akin ng aking yaya para ako’y paiyakin noong akong uhugin pa!

1) Kakainin ka ng wawak pag di ka natulog!

     Yung wawak e yun daw malaking bruha na may pakpak na kumakain ng mga batang hindi natutulog sa hapon. Sinong bata naman ang gustong makain non diba? Eh di tulog. Pero naisip ko noon, pano yung mga batang may pasok sa hapon? Siguro hindi kinakain ng wawak yung mga nasa school.

2) May dwende sa bakuran, wag kang maglalaro dun.

     Kung alam ko lang, ayaw lang nyang matapakan ko yung mga tanim nyang marijuana.

3) Matakot ka sa kumaw!

     Ang kumaw daw e isang tao na nangingidnap ng mga bata. Sa States eh ang tawag dito Michael Jackson. Ewan ko lang kung ano talaga ang trip ng kumaw pero sabi nila, kumkuha daw to ng dugo ng bata at ipinapatak sa mga bagong gawang mga highway para tumibay ito. Pakshet ahahahaha pero takot na takot sa kumaw noon.

4) Lalabas ang kanin sa sugat mo!

     Eto talagang hindi ko naintindihan kailanman. Kahit bata ako e alam kong hindi pwedeng lumabas ang kanin sa sugat. Ewan ko ba, marami talagang adik na matatanda.

5) Tutubo ang buto ng santol na nalunok mo!

     Medyo excited ako nung sinabi sakin to. Naisip ko ang cute magkaroon ng puno sa ulo. Diba? Tapos magkakaroon ng bunga, ng pugad ng ibon…saya!

6) Ampon ka at napulot ka lang sa tae ng kalabaw!

taengcow.JPG

     Ang sama talaga. Hindi ko alam kung anong gusto nyang mangyari at sinabihan akong ampon at napulot lang ako sa tae ng kalabaw!!! Gusto ko ngang sabihin kanya na sya yung tae.

7) Ako ang nanay mo!

     Ok, hindi nya ito sinabi pero pag ito narinig ko mula sa kanya, siguradong ako na ang pinakabatang nagsuicide.

8 ) Mas malakas ang babae kesa sa lalaki!

     Kasi daw ang lalaki lupapay na pagkatapos nagtalik, ang babae, hindi napapagod. Tapos ang etits daw nasasakal ng keps kaya mas malakas ang babae! Leche, anim na taong gulang palang ako noon kung ano ano na sinasabi sa akin!!!

9) Ang relihiyon ko ang pinakamahusay na relihiyon sa lahat!

     Hindi ko na sasabihin ko ano ang relihiyon nya pero sabi nya sila lang daw ang aakyat sa langit. Hanggang ngayon andito pa sya sa lupa, sinungaling sya.

10) Walang perang binigay ang nanay mo, wala kang baon!

     Eh alam ko hindi nakakalimutan ng nanay kong mag-iwan ng pera, kahit limang piso lang. Kaya pala tuwing hapon may coke siya.

Bang! Bang!

Tuesday, July 31st, 2007

Madre: Mother Superior! Tulungan nyo po ako! Nalilibugan ako…ano ang dapat kong gawin?!

Mother Superior: Iha, madali lang yan, tumingin ka sa salamin, gawin mong parang baril ang mga daliri mo at sumigaw ka ng “Bang! Bang!”. Mawawala yang libog mo.

Madre: Susubukan ko po Mother Superior.

Umalis ang Madre sa kwarto ni Mother Superior at nagpunta sa banyo, tumingin sa salimin, ginawang parang baril ang mga daliri at sumigaw ng “Bang! Bang!”. Aba! Nawala ang kanyang libog! Dali daling bumalik ang Madre sa kwarto ni Mother Superior upang magpasalamat. Pagbukas nya ng pinto, nakita nya si Mother Superior sa harap ng salamin, naka parang baril ang mga daliri nya at malakas na sumisigaw ng “RATATATATATATATATATATATATATAT!”

Hoy Bitch!

Monday, July 30th, 2007

melanie.jpg

Isang kwentong Melanie Marquez ayon sa aking officemate na si Singkit :) Hindi nya alam kung totoo to o hindi, pero tuwang tuwa sya ahaha ako rin!

Nasa palengke si Melanie ng may biglang sumigaw sa kanya:

“Hooooy! Bitch!”

 Galit na galit na lumapit si Melanie, at sinabing:

“Dont…ever…call me…Hoy!”

Mga preskong lugar sa UP!

Monday, July 30th, 2007

Tanong: Anong lugar sa UP ang presko?

Sagot: Eh di PHAN!

Tanong: Eh san pa mas malamig sa PHAN?

Sagot: Eh di sa ECON!

Tanong: Eh yung mas malamig pa sa ECON?

Sagot: Sa IC!

Tanong: Eh ano ang pinakamalamig sa lahat lahat ng mga building sa UP?

Sagot: Eh di ang…NIGS! :)

Bahay Kubo, Bading Version

Monday, July 30th, 2007

Valer kuberch
Kahit jutay
Ang julamantrax donchi
Ay anek-anek

Nyongkamas at nutring
Nyogarilyas at kipay
Nyitaw, nyotaw, jutani

Kundol, jutola
Jupot jolabastquax
At mega join-join pa
Jobanox nyustasa

Nyubuyax, nyomatis
Nyowang at luyax
And around the keme
ay fullness ng lingax!

-

Maraming salamat kay Maggie para sa kantang to! :)

Panget! Panget!

Sunday, July 29th, 2007

May isang panget na lalaki ang nagdaraan sa parehong kalya araw araw. Sa kalyeng yon, may isang bahat na may parrot na nagsasalita. Tuwing dumadaan ang panget na lalaki sa tapat ng bahay na may parrot, sumisigaw ang ibon ng “PANGET! PANGET!”. Isang araw napikon na ang panget na lalaki.

Panget na lalaki: Walang ya kang parrot ka ha! Pikon na pikon na ako sayo! Minsan pang sigawan mo akong panget, ilelechon kita!!!

Kinabukasan, dumaan ang panget na lalaki sa tapat ng bahay na may parrot.

Parrot: Pssst! Pssst!

Panget na lalaki: Ano?

Parrot: Alam mo na…

Ang mas matalim!

Sunday, July 29th, 2007

Tanong: Ano ang mas matalim, ngipin o pwet?

Sagot: Pwet. Kasi ang pwet, kaya pumutol ng jebs, ang ngipin hindi. Pero try mo narin, baka ngipin ko lang di may kaya. :)

Inday

Saturday, July 28th, 2007

Isang tribute!

Ang hula

Saturday, July 28th, 2007

Manghuhula: Kumusta naman ang apat na anak mo sa misis mo?

Juan: Anong apat? Eh palpak ka pala! Lima ang anak ko sa misis ko!

Manghuhula: Yan ang akala mo.

Check me out!

Friday, July 27th, 2007

Nakita ko to sa YouTube:

icansang.JPG

She can sang daw! But can she really? Check nyo sya! LOL :)  

Pinasok!

Friday, July 27th, 2007

Obispo: Father, pinasok ka raw ng magandang hubad na babae sa kwarto mo kagabi. Anong ginawa mo?

Father: Tumakbo ako at nagdasal! Ikaw obispo, anong gagawin mo pag nangyari sayo yon?

Obispo: Magsisinungaling rin.

Ang kalaban ni Bembol-Bee! Si…

Thursday, July 26th, 2007

megatron.jpg

Ang Award-winning TRANSFORMER! Si…

Wednesday, July 25th, 2007

bembolbee.jpg

Iba na talaga ang panahon ngayon!

Wednesday, July 25th, 2007

Dati rati, wala kang makikitang hubad kahit saan! Kailangan mo pang halughugin ang kabinet ng tatay mo para sa porno! Ngayon, nako! Nagkalat na! Sa Quiapo, sa Cubao, sa Makati Cinema Square…at pati sa music store! Porno sa music store? Dito sa Pilipinas?! Parang mahirap paniwalaan diba? Etong ebidensya…cartoons nga lang ahehe pero kung manyak ka, pwede na yan ahahahahaha

bodycd.jpg

300

Wednesday, July 25th, 2007

Havaianas sa ibang mga tsinelas:

“We are the best slippers! We are superior! Kneel before us!”

Sabi ng isang mumurahing tsinelas:

“Tumbang preso nga? Spartans, prepare for GLORY!!!

-

Ang cute diba? Salamat kay Nina para sa joke na to! :)

Ang Ngongo at ang Pabango

Wednesday, July 25th, 2007

Nakaamoy ang isang ngongo ng pabango sa mall.

Ngongo: Ale, mango! (bango daw!)

Saleslady: Pabango ‘yan, hindi alimango!

Ngongo: Ale, mango!

Kinuha ng ngongo ang pabango. Ayaw ibigay ng saleslady! Nag-agawan ang ngongo at ang saleslady sa pabango. Nahulog ang pabango at nabasag ito!

Ngongo: Ale, masag!

-

Ahahahahahaha anlabo!!! 

Ang problema ng sikyu

Tuesday, July 24th, 2007

Kanina habang nagaabang ako ng elevator, narinig ko ang isang sikyo na sumigaw sa isang sikyu.

 Sikyu 1: Huy! Halika dito!

Lumapit si Sikyu 2.

Sikyu 2: O bakit?

Sikyu 1: Dito ka naman sandali sa pwesto ko o, taeng tae na ako!

Ahahahahahahahaha pinigilan ko nalang ang tawa ko. Kasi naisip ko, pano kung wala si Sikyu 2 para palitan sya? Dun nalang sya jejebs sa pwesto nya? Ahaha ngayon ko lang naisip na hindi lang pala katatayo, pagod at puyat ang kalaban ng mga sikyu :)

Si Volta!

Tuesday, July 24th, 2007

volta.JPG

Tanong: Ano ang first name ni Volta?

Sagot: Johntra

Johntra Volta! Nyahahahaha!

Me? Join this contest?

Tuesday, July 24th, 2007

Sa isang Miss Gay beauty contest… 

Host: Why did you join this contest?

Contestant: Me? Join this contest? Why did I? Thank you!

-

Host: What can you say about the current situation of our economy?

Contestant: That’s a very good question, keep it up!

-

Ahahaa ano daaaaaaw?!

“Why should I?!”

Monday, July 23rd, 2007

becaused.jpg

Yun yun e!!!

Myla

Monday, July 23rd, 2007

Alam nyo bang ang isang tawag sa mga bading ay “Myla”? Oo, Myla! Myla-wit. Ahahahaha :D

Ni-rape ng magnanakaw!

Monday, July 23rd, 2007

Inday: (Umiiyak) Mam! Ni-rape po ako ng magnanakaw kagabi!

Amo: Eh bat di ka man lang sumigaw?!

Inday: Akala ko kasi nung una si sir…pero nung nakadalawa na nagduda na ako!

Ang Aking Top 10 fet feebs!

Saturday, July 21st, 2007

Lahat ng tao may mga kina-iinisan. Merong malalaking bagay, at meron din namang hindi na kailangan pansinin o kainisan pero hindi natin alam kung bakit tayo iritado sa mga to. Mga iba inis sa ipis, mga iba naman inis sa maiitim. Ako? Eto ang aking top 10!

1) Mga nanay na ewan

     Alam nyo yung mga nanay na hindi kayang magpatigil ng ngumangawang anak sa mall? Pano ba naman titigal ang bata e ganito ang style nila:

Nanay: Buding tumigil ka sa kaiiyak mo! Tumigil ka! (sabay kurot) Tumigil ka sabi sige iiwan kita dito! Ano baaaaa tumigil kaaaaaaa (sabay palo).

Kinurot na, pinalo na, tinakot pa! Hindi talaga titigil ang bata! Ahahaaaay.

2) P en EP depek

     Ahehehe kahit gaano ka kaganda o kagwafo, fasensya na fo, turn op talaga to!

3) Txtn lyk dis. K.

     Ok lang naman magshort cut e. Ok lang talaga. Pero sana naman wag ng umabot sa puntong nagiging pala-isipan ang text.

     “Pnt k n hr mtgl p b u? gtm n q kc. Lm q n mg mgml nlng tau brng kc d2 e. k ngtz.”

     At yang “K” na yan! Ang tinu-tino ng text mo, talagang pinag-isipan ang sagot, excited kang malaman kung ano sasabihin ng katext mo, tapos ang matatanggap mo lang ay “K”. K-k-gigil! Ahahaha

4) Ang hextra heych

    Bakit ba kailangan dagdagan ng “H” ang mga salitang ok naman ng wala ito? Di ba poh nakaka-iritah lhang?

5) Mga crew ng fastfood na nakasimangot

    Sige, sabihin na nating may problema sila ng araw na yon o kaya’y sadyang hindi lang maipinta ang mukha. Pero dapat, pag asa ganong trabaho ka, marunong kang mag-adjust. Konting ”hello”, konting smile, ok na yun. Ayaw ng mga tao na lasang simangot ng kanilang fried chicken!

6) Ang nawawalang medyas

    Kung nagpapalaundry kayo kagaya ko, siguro ay naranasan nyo na to. Nung nakaraang buwan e meron kang benteng pares, ngayon tatlo nalang, hindi pa parepareho!

7) Mga yayang amo

    Hindi na natin kailangan pang pag-usapan ito hahahaha sigurado ako nakaranas na kayo nito!

8 ) “Tara, sa loob ng sinehan tayo mag-kwentuhan!” 

     Inis na inis ako sa mga taong nagkwekwentuhan sa sinehan, lalo na kung nasa kalagitnaan ng pelikula, yung tipong sinasabi na ng istorya na ampon ang bida at kung bakit mas mahaba yung kaliwang paa nya kumpara dun sa kanan. Parang ang sarap nilang pasakan ng popcorn sa ilong, yung barbeque flavor para medyo maanghang-anghang. Magawa nga yun next time. Ahehe

9) Mga pulis sa lilim

    Lunes ng tanghali, may nakita kang traffic violator. Nagleft turn sa no left turn. Nagtataka ngayon kung bakit hindi sya hinuli. Tingin ka ngayon sa paligid kung asan ang mga pulis…ayun sila sa di kalayuan! Sa likod ng squad car na nasa lilim at nagkwekwentuhan! 1,2,3…4! Apat sila! Mahal ko talaga sila. Mahal na mahal. 

10) Where did you bought that?

     Wala na sigurong mas karaniwan pa sa kamaliang ito. Ang daming beses ko ng narinig to mula sa iba’t ibang tao. Kahit sa mga ok naman mag ingles e sumasablay pagdating sa tanong na to. Ano bang meron? 

Gusto nyo ng ganitong CD?

Friday, July 20th, 2007

chakakhan.jpg

Kung ikaw may CD, gusto mo ba ng nagsusumigaw na “CHAKA” sa cover nito? Ahahaha ako hindi! :)

Si Mario

Friday, July 20th, 2007

Inday: Nay, magpapakasal na kami ni Mario!

Nanay: Nako anak! Wag! Balita ko ang lakilaki daw ng etits nya! Baka mapano ka!

Inday: Wag ka mag-alala Nay, nasubukan ko na, kasya naman!

One whole sheet of bond paper

Thursday, July 19th, 2007

Guro: Get one whole sheet of bond paper! Write an essay about your family. I don’t want to see any erasures!

Estudyante: Mam, pwede liquid paper?

Guro: No! I said bond paper!

Mga Makabagong Salawikain!

Thursday, July 19th, 2007

Ang taong nagigipit…sa bumbay kumakapit.

Pag may usok…may nag-iihaw.

Ang taong naglalakad nang matulin… may utang.

No guts, no glory… no ID, no entry.
 
Birds of the same feather that prays together… stays together.
 
Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot.

Ang buhay ay parang bato, it’s hard.

Walang matigas na tinapay sa gutom na tao.
 
Birds of the same feather make a good feather duster.
 
Kapag may tiyaga, may nilaga. Kapag may taga, may tahi.

Huli man daw at magaling, undertime pa rin.
 
To err is human, to errs is humans.
 
Ang naglalakad ng matulin, late na sa appointment.
 
Matalino man ang matsing, matsing pa rin.
 
Better late than later.

Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay kubo, sa paligid puno ng linga.

Ang sakit ng kalingkingan, kailangan ng alaxan.

Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, lumaki sa ibang bansa.
 
Kapag maikli ang kumot, tumangkad ka na!
 
Better late than pregnant.
 
Behind the clouds are the other clouds.

Aanhin pa ang damo.. kung bato na ang uso!

Its better to cheat than to repeat.

Do unto others…tapos takbo!

Pag di ukol, di bubukol…siya ay baog, o di kaya’y bading.
 
Kung may isinuksok, may mabubuntis.
 
Kapag puno na ang salop, kumuha na ng ibang salop.
 
Magbiro ka na sa lasing, magbiro ka na sa bagong gising,’wag lang sa lasing na bagong gising.

Mga pangarap kong gawin sa buhay!

Wednesday, July 18th, 2007

Natatandaan ko dati gusto ko maging duktor, pari, acrobat, pintor, singer, daredevil, dj, abugado at kung ano ano pa. Pero yun lang yung gusto kong maging, hindi ang mga pangarap kong gawin sa buhay.

Ano ano ba ang mga pangarap kong gawin sa buhay?

1) Dilaan ang labas ng MRT o kahit anong tren mula harapan hanggang dulo habang umaandar to.

2) Kunin ang hagdanan ng isang taong may ginagawa sa kisame habang nakalambitin ang mga paa nya sa ere. Isipin nyong mabuti, cute pag gumagalaw yung mga paa nya na para bang hinahanap kung san napunta ang hagdanan.

3) Lumabas ng hubad sa snow. Nagawa ko dati naka boxers ako at sapatos, so hindi counted yun.

4) Sumali sa isang singing contest at manalo.

5) Sumundot ng pwet ng kung sino man ang nasa harapan ko sa escalator. Sa litratong to, muntik ko ng maabot ang pangarap na to. Ito talaga ang “so near, yet so far” (so good!)

pwet1s.jpg

6) Magmura ng pulis hahahaha lalo na ang mga MAPSA at MMDA.

7) Maging macho dancer o lalaking bayaran ng isang gabi.

8 ) Magpatubo ng bigote at balbas.

9) Tumae ng ginto.

10) Matulog sa harapan ng boss ko habang mag mi-meeting kami.

Ito ang mga bagay na pangarap kong gawin bago ako mamatay. Pero sa tingin ko, karamihan dito e hanggang pangarap nalang talaga. Pero ok lang, libre naman ang mangarap…sumulat kaya ako kay Viki Morales?

Para mapansin!

Wednesday, July 18th, 2007

Inday: Ano kaya ang dapat kung gawan para mapansin ako ni ser? Alam ko na! Maglalagay ako ng panty ko sa lamesa!

*makalipas ang ilang minuto*

Amo: Inday! Kaninong panty tong nasa lamesa?

Inday: Akin po yan seeeer *smile*

Amo: May tae.

Holy Water

Wednesday, July 18th, 2007

Madre 1: Father, nagmura po ako!

Father: Magmumog ka ng holy water!

Madre 2: Father, nagsinungaling po ako!

Father: Magmumog ka ng holy water!

Madre 3: Father, inihian ko po yung holy water!

Presidential Quiz Part 2!

Tuesday, July 17th, 2007

gloria5.JPG

1) Sa larawang ito, si Gloria ay:

a. nangangati ang leeg dahil sa buni

b. may sinesenyasang tumahimik

c. ina-atake ng epilepsy

 gloria8.JPG

2) Nakapikit si Gloria dahil:

a. may na-amoy na mabango

b. may na-amoy na mabaho

c. tulog sya

gloriax1.JPG

3) Ang larawan ito ay kinuha noong:

a. debut nya

b. JS Prom nya

c. sumali sya sa Miss Gay Pampanga

 gloriax5.JPG

4) Ang daliring ito ang kanyang:

a. pinang kukulangot

b. pinang aaliw sa sarili

c. pandutdot sa mukha ng kanyang asawa

 gloriax3.JPG

5) Bad trip na naman sya dahil:

a. may nagtanong tungkol sa height nya

b. may nagtanong kung kapatid nya si Nora

c. walang nagtanong

 gloriax6.JPG

6) Pinapakita ni Gloria na:

a. nakaboto na sya

b. naipit ang daliri nya sa pinto ng doll house

c. violet ang kulangot nya

 gloriax8.JPG

7) “Apat” ang sagot ni Gloria ng tanungin sya kung:

a. ilang talampakan sya

b. ilang pulgada ang kay Mike

c. ilang nunal meron sya sa dibdib

Sa police station

Tuesday, July 17th, 2007

May isang babaeng mukhang ginahasa ang nagpunta sa police station…

Babae: Mamang pulis! Tulungan nyo po ako! Ginahasa po ako!!!

Pulis: Isalaysay mo sa akin ang mga pangyayari!

Babae: Naglalakad po ako sa isang madilim na kanto ng biglang may humblot sa aking lalaki. Hinubaran nya po ako! Nilamas ang aking mga juging at pinaghahalikan! Tapos tinanggal nya ang panty ko tapos sabay….

Pulis: Tama na! Tama na!!!

Babae: Bakit ho?

Pulis: Tinitigasan na ako!

Saan matatagpuan ang Diyos?

Tuesday, July 17th, 2007

Guro: Mga bata, alam nyo ba kung saan matatagpuan ang Diyos?

Boy: Mam sa kubeta po namin!!!

Guro: Ha?! Pano mo naman nasabi yon?

Boy: Kasi narinig ko sabi ng lola ko kaninang umaga, “Diyos ko, kanina ka pa dyan sa kubeta ano ba!”

Ano kaya ang lasa nito?

Monday, July 16th, 2007

mashed.jpg

Hmmmmm masarap kaya ang “Mashed Potat”? LOL

Parang na-iimagine ko na…”Ser anong order nyo?” Sagot ang customer “Isang mashed potat…to go.” Ahahahahaha anlabo.

Patandaan ng lolo!

Monday, July 16th, 2007

Juan: Lolo ko sobrang tanda namatay sya 105 years old!

Pedro: Wala ka! Sa tanda ng lolo ko, pinatay nalang namin!

Is shocking!

Monday, July 16th, 2007

“i saw you earlier today sa MOA… ang laking tao mo pala sa personal… hehehe… red shirt and khaki shorts right? ano kayang sine papanoorin mo? HP5? ^_^; v”

Isang message mula sa isang video ng “Sana Maulit Muli” sa Youtube! 

Ahahaaaaay! Ahahaha may nakakakilala na sa akin! Ako nga kasi yun. Kaso hindi red shirt kundi maroon. At hindi khaki shorts kundi camo. At ang galing, alam nya ang pinanood ko! Sana lumapit sya at humingi ng autograph! Ahahahahahahhahaha

Sana Maulit Muli

Sunday, July 15th, 2007

Ang mga Pulis Oyster

Sunday, July 15th, 2007

pulisoyster.jpg

Araw-araw kong nakikita ang mga taong to. Para silang mga Metro Aide pero kulay asul ang suot nila at may nakasulat na “Pulis Oyster” sa harapan. Hindi ko alam kung dito lang sa Makati meron ng mga to. Nung isang araw ko lang nagawang kunan ang isa sa kanila ng litrato at isa ito sa pinakamasayang araw ng buhay ko kasi naman siguro mahigit anim na buwan ko ng gustong makuhanan sila.

Matagal ko ng iniisip kung bakit “Pulis Oyster” ang tawag sa kanila. Oo, meron naman talagang mga mukhang talaba sa kanila pero hindi naman lahat. Wala naman akong nakikitang pulis na kinakapitan nila na parang kahoy na kinakapitan ng talaba. Hindi rin naman sila sumusuka ng perlas…

Kaya please lang, para makatulog na ako, bakit ba “Pulis Oyster” ang tawag sa kanila?!

Baygon

Sunday, July 15th, 2007

Lalaki: Doc! Tulungan mo ako! Uminom ako ng Baygon!

Dok: Ha?! Bakit? balak mo bang magpakamatay?!

Lalaki: Hindi! Kasi nakalunok ako ng ipis!

Dok: Eh gago ka pala. Dapat tsinelas nalang nilunok mo!

Dear Itay…

Sunday, July 15th, 2007

Dear Itay,

Padalahan mo naman ako ng pera, kasi nginatngat ng mga daga lahat ng damit ko. Ngayon butas butas na silang lahat. Wala na akong maisuot.

Love,

Junior

 *sumagot ang tatay*

Dear Junior,

 Wala akong pera. Padadalhan nalang kita ng pusa.

Love,

Itay

Meron kaya?

Saturday, July 14th, 2007

coffemate.jpg

Hindi ko alam kung ako lang to, pero meron ba talagang nanay na magpapainom ng coffee mate sa anak nya?! Meron ba?! Meron baaa?!

Salamat kay Oli sa pagbigay sakin ng paketeng ito kahit alam nyang hindi ako umiinom ng kape. Nyahaha! Salamat uli, Oli! Uli-Oli, Uli-Oli, Uli-Oli ahahaha!

Sa isang restaurant uli!

Saturday, July 14th, 2007

Kagabi nasa Bonifacio High Street kami ng aking irog at kumain kami sa isang restuarant na hindi ko papangalanan pero kapangalan nya ang isang estado sa USA, ang Texas. Pagkatapos naming kumain, biglang may bumulabog sa aming “HELLO EVERYONE!” Ayun pala, meron silang raffle, magbibigay ka ng business card at bubunot sila ng mamanalo. Ano ang mapapanalunan? Ito ang sabi ng host:

“We will be giving away three bottle of wines!”

Ahahay ano ba!

Ang Bading at ang Cannibal!

Saturday, July 14th, 2007

Tanong: Ano ang kaibahan ng cannibal at ng bading?

Sagot: Ang cannibal, kumakain ng kauri. Ang bading, kumakain ng ka-ari! Nyahahaha!

Sa isang Call Center!

Saturday, July 14th, 2007

Hindi ko alam kung totoo to pero nakakatawa talaga. Salamat kay Roxanne para dito! :)

Agent: Is that “P” for ping-pong?

Customer: No, it’s “B”!

Agent: Oh, “B”, for Bing-Bong!

Anak ng conyong karpintero!

Thursday, July 12th, 2007

sawall.jpg

May masasabi pa ba ako?! Siguro ito rin yun nagsulat nung “…butt ng yosi sa bintana“! Ang artey nemen e…gravaaaa!

Sa jeep…

Thursday, July 12th, 2007

Babae: Manong magkano po pamasahe?

Driver: Sebenpipty lang po.

Babae: Ang batang kasama ko may bayad?

Driver: Wala po.

Babae: Eh ang nakakandong may bayad?

Driver: Wala rin po Misis.

Babae: Sige anak. Maupo ka at kakandong ako sayo!

Lolokohin ko asawa ko!

Thursday, July 12th, 2007

Babae: Lolokohin ko ang asawa ko! Magpapanggap akong pokpok at aabangan ko sya sa kanto!

*naghintay ang babae sa kanto, makaraan ang ilang minuto, dumaan ang asawa nya*

Babae: Pssst! Pogi! Good time tayo!

Lalaki: Ayoko sayo, kamuka mo asawa ko!

Mga takas!

Wednesday, July 11th, 2007

Tatlong preso bagong takas sa bilanguan. Tanghaling tapat na ng may makita silang pwet ng baboy na nakalabas mula sa damuhan!

Preso 1: Sana pwet nalang ng misis ko yan para kanina ko pa natira!

Preso 2: Sana pwet nalang ni Inday yan para kanina ko pa natira!

Preso 3: Sana madilim.

Aba! Walang gilagid?!

Wednesday, July 11th, 2007

Tanong: Anong hayop ang wala gilagid?

Sagot: Lang Gum.

Visa o Mastercard

Tuesday, July 10th, 2007

Naghahanap kami ng makakainan isang gabi na nasa Mall of Asia kami ng aking irog. Naisipan nya na may promo sa isang restaurant na itatago sa pangalang “Burgoo”.

Aking irog: Dun nalang tayo kasi alam ko may promo sila sa <Banko> credit card!

*Pagdating namin don…*

Aking irog: Miss, diba may promo kayo pag issue ng <Banko> ang credit card?

Miss: Opo. Meron pong libreng steak ala pobre!

Aking irog: Ano ba tinatanggap nyo, Visa o Mastercard?

Miss: Ay, credit card lang po!

Ako…tumbling ano pa! Ahahahaa yun lang!


The Greenpinoy Show!

The Greenpinoy Forums!





Greenpinoy on YouTube!

Mabuhay ang Pilipinong Makulit!



The www.greepinoy.com readers' photo gallery!
The www.greepinoy.com readers' photo gallery!

Si Bertong Libag!



To the BATCAVE!!!

Jason Tengco Photography

Best Blogs in Asia

Humor Blogs - Blog Top Sites

A Pinoy Blogger

Blog Flux Directory

Add to Technorati Favorites

Pinoy Blogosphere

Humor Blogs - Blog Catalog Blog Directory

Proudly Pinoy!

Google