Archive for June, 2007

Carnap!

Monday, June 18th, 2007

Pedro: Pare! Yung Pajero ko, kinarnap! Ayun paalis palang! Habulin mo dali!!!

*Hinabol ni Juan ang Pajero ni Pedro*

Juan: Pare, hindi ko nahabol yung mga karnapers! Pero wag kang mag-alala! Nakuha yung plate number ng Pajerong sinasakyan nila!

Petrang Kabayo ze Muzikal

Monday, June 18th, 2007

kabayo1.jpg

Eto ang bagong itsura ni Petrang Kabayo sa pinakabagong musical, ang Petrang Kabayo ze Muzikal!

Ang kwento nito, napulot ni Petra ang mahiwagang bulalakaw ni ZsaZsa Zaturnnah! Kaya imbes na nagiging negrang kabayo sya, eh nagiging puting kabayo sya with pink hair! Bongga!

Ang plastic spoon

Sunday, June 17th, 2007

Kagagaling ko lang sa isang resort na itatago ko sa pangalang “Caylabne Bay Resort”. Medyo malayo sya sa kabihasnan. Pagdating namin don, ok naman yung istura ng mga kwarto, maayos naman. Pero nung nag-ikot ikot na ako nako po, eto na. Sunod sunod na mga kalunos lunos na pangyayari.

Una, ang tanghalian. Buffet. Merong chopsuey, pero ang pangalan dun ay “vegetable forestaire”. Nung dinner na, parehong parehong klase ng gulay, pero ang pangalan na ay “vegetable gardenaire”. Utang na loob hahahaha

Yung beach, hindi sya beach. Fish pond sya. May mga talangka at mga gurami.

Ang pool, abay basag basag ang tiles.

May tennis court din don. Nagrenta kami ng mga raketa at mga bola. Apat sa limang bola, hindi na tumatalbog. Nabutas pa yung dalawa. Ang saya!

Pero eto ang the best. Nag-order ako ng ice cream. Binigay saking naka plastic cup with matching plastic spoon. Napansin kong may sulat yung kuchara. Alam nyo ba kung anong nakasulat? Syempre ang pangalan ng resort! Pero hindi!!! Ang nakasulat ay…

“Tropical Hut”.

Hindi ko natanong sa mga kasama ko kung Tropical Hut din ba yung nakasulat sa mga kuchara nila. Baka naman may Jollibee o Mcdo rin. Ayoko nang isipin pa kung bakit yung ang gamit nilang kuchara at kung pano nila nakuha yon. Sana nalang, please lang Lord, yung may ari ng resort e may ari rin ng isang franchise ng Tropical Hut.

Si Cedie

Sunday, June 17th, 2007

cedie.JPG

Tanong: Ano ang apelyido ni Cedie?

Sagot: Player.

Cedie Player! Nyahahaha!

Medical Exam

Sunday, June 17th, 2007

Lolo: Sabi ng duktor kailangan ko daw magbigay ng urine, semen at stool sample.

Lola: Ibigay mo yang brief mo, andun na lahat yun!

Ang Mansanas at ang Ponkan

Sunday, June 17th, 2007

May dalawang prutas sa loob ng ref, sina Mansanas at Ponkan.

Mansanas: Ang ginaw ginaw naman dito!

Ponkan: Hala! Yung mansanas nagsasalita!

Si Jewel

Saturday, June 16th, 2007

jewel.JPG 

Tanong: Ano ang apelyido ni Jewel?

Sagot: Torre.

 Jewel Torre! Nyahahahaha

Naninilip na sakristan

Saturday, June 16th, 2007

Pari: Balita ko sinilipan mo si sister!

Sakristan: Patawarin nyo po ako father.

Pari: Ano naman ang mga nakita mo sa kanya?

Sakristan: Wala po. Kasi nakaharang yung pwet nyo.

Ala-sais ang almusal

Saturday, June 16th, 2007

Amo: O Inday, bilang bagong katulong, dapat malaman mong ala-sais ng umaga ang almusal dito ha?

Inday: Ok mam. Kung tulog pa ako, mauna na ho kayong kumain.

Usapang adik

Saturday, June 16th, 2007

Pedro: Manong bayad!

Driver: San galing?

Pedro: Sa bulsa ko!

Driver: Hindi…san ka sumakay?

Pedro: Sa jeep mo san pa?

Inisip ng driver kung pano sya makakabawi. Binigyan nya ng kulang na sukli si Pedro.

Pedro: O bat kulang ang sukli ko? Magkano ba Quiapo?

Driver: Bakit? Bibilhin mo?!

Limang katanungan!

Thursday, June 14th, 2007

Una sa lahat, gusto kong magpasalamant kay Sexy Mom para sa mga sumusunod na tanong! Salamat, Sexy Mom! Eto na ang mga sagot ko sa mga tanong nya! :)

1. Sino si Jason? At sino si green pinoy sa buhay nya? Alin sa mga jokes ang pinakamalapit sa buhay ni Jason?

Si Jason ay isang simpleng tao na may mga simpleng pangarap, may simpleng trabaho at may simpleng buhay! Si Greenpinoy ay ang makulit na pagkatao ni Jason. Makulit, medyo bastos, laging masaya! :) Ang mga jokes na malapit sa akin ay syempre yung naughty and green in nature. Tuwang tuwa rin ako sa mga jologs at korning jokes. Mababaw lang din kasi ako ahehehe pag may umutot, ang ibang tao maiinis, ako matatawa.

2. Meron bang hindi green sa green pinoy?

Aba’y meron po! Merong ding red, blue at orange! Ahehe. Marami ditong jokes na pang GP! :)

3. You said you have gathered these green jokes-may balak ka bang mag post ng original?

Opo! Sa katunayan, maraming original dito. Yung mga sa category na gaya ng kwento kwento lang, true to life, kalye, japan, friendster, at marami pang iba :) Yung mga videos po original po sila (maliban sa “The Hitmen” kasi yung script nya, galing sa isang joke). Ang original na post ay kadalasang may kasamang litrato o di kaya’y mas mahaba sa usual joke na nababasa nyo dito sa greenpinoy. Kung mahaba ito at hindi original, sinasabi ko sa umpisa ng post kung san ko to nakuha. Meron din mga submissions ang ating mga readers dito! Yung mga litrato din dito karamihan ay ako mismo ang kumuha sa aking mga paglalakad dito sa Pilipinas at si ibang bansa.  :) 

4. Aside from entertainment, meron kayang magandang mapupulot ang makulit na pinoy sa greenpinoy.com?

Parang wala. Readers, meron ba? Ahehehe layunin talaga ng greenpinoy ang magpasaya ng mga tao :)

5. E ang hindi makulit na Pinoy? Papano mo mahihikayat na basahin ang greenpinoy.com?

Sa aking paniniwala kasi, lahat ng Pinoy, likas na makulit. Magkaka-iba lang ng level. Yung iba, to the highest level. Yung iba, next level lang. Yung mga shy naman, below sea level. Dito sa greenpinoy, merong ma-babahagi sayo kahit anong level ka! :)

Kung gusto nyong ma-interview ko, sundin lang ang mga patakarang nakasaad sa ibaba!

Interview rules:
1. Leave me a comment saying “Interview me.”
2. I will respond by emailing you five questions. I get to pick the questions.
3. You will update your blog with the answers to the questions.
4. You will include this explanation and an offer to interview someone else in the same post.
5. When others comment asking to be interviewed, you will ask them five questions.

Muli, maraming salamat Sexy Mom!

Ang Hamong Nasisante

Thursday, June 14th, 2007

Ano kaya ang nagawa ng hamong ito at natanggal sya sa kanyang trabaho? Hindi natin alam. At hindi natin malalaman kasi wala na sya. Wala na. Ka-awa-awang hamon.

shang3.jpg

Sa breakfast buffet ng Bund Hotel, Shanghai

New and Improved “Bawal Umihi Dito”

Thursday, June 14th, 2007

Nagbabago na talaga ang panahon. Dati, yung mga soap opera natin, puro sampalan at iyakan lang, tapos naging puro telenovela ng Mexico, tapos ngayon mga fantaserye na. Dati “tsinelas”, ngayon, “flip-flops”. Dati, “Bawal Umihi Dito” lang ang nakasulat sa pader. Ngayon, aba, parang nagpapatalbugan na sila kung sino ang makakapagpaskil ng pinaka creative na “Bawala Umihi Dito”. Gaya nalang ng ng isa ko ng napost, yung “Bawal Ihi, putol titi”. Aba, hindi ka nga naman maiihi sa takot nyan. At hindi lang yan ang nakita ko, gaya nalang nitong isang to:

aso.jpg

Hindi nya sinasabing bawal umihi pero siguradong hindi ka iihi dyan kasi pang aso lang yan. E hindi ka naman aso kaya hindi ka talaga dyan iihi!

E itong isang to, medyo mas matapang at siguradong makukuha mo ang mensahe!

sir.jpg

O ayos diba? Gugustuhin mo bang matawag na makapal ang muka? Ako, titiisin ko nalang ang ihi ko kesa naman masabihan ako nyan! Ano kaya ang mga susunod pa nilang maiisipan? Abangan ang susunod na kabanata! :)

Si Punisher!

Thursday, June 14th, 2007

punish.jpg

Tanong: Ano ang last name ni Punisher?

Sagot: Ranno.

Punisher Ranno! Nyahahahaha! :)

Face of a saint!

Thursday, June 14th, 2007

Boyfriend: Hon, sa tingin mo ba, pangit ako?

Girlfriend: Hindi a! Sa katunayan, you have the face of a saint!

Boyfriend: Talaga hon? Sinong saint naman?

Girlfriend: St. Bernard!

You do.

Thursday, June 14th, 2007

Ngayong umaga lang may kausap ako sa chat program ng office na taga Singapore. Itago natin sya sa pangalang “Singaporean”.

Ako: I have forwarded you an email

Singaporean: Ok, i will check and revert back to you.

Ako: Ok.

*Makalipas ang ilang minuto*

Singaporean: I have not received your email yet.

Ako: Ok just let me know when you do.

Singaporean: U do.

Ano daw?! Ahahaaaay!

Knock Knock Pinoy Style Part 2!

Wednesday, June 13th, 2007

Sa Isang Korean Restaurant!

Wednesday, June 13th, 2007

Kumain ako minsan sa isang Korean Restaurant.

Noon lang ako nakakita ng ganitong klaseng sabaw!

korean1.jpg

Tumutunog kaya ito? Beep! Beep! Beep! Ganon?

Ito namang isa, parang hindi masarap…

korean2.jpg

Hmmmm ano kayang parte ng baboy ang “backborn”? O baka naman ito ay baboy na pinanganak mula sa pwet? Weird pala ang mga sabaw Koreano no?

Bahala ka na pumili!

Wednesday, June 13th, 2007

Lalaki: Ano ang pagkain natin?

Babae: Nasa mesa, bahala ka na pumili!

Lalaki: Isang pirasong tuyo? Ano pagpipilian ko?

Babae: Pumili ka kung kakain ka o hindi!

Ingat sa aso

Wednesday, June 13th, 2007

Bata: Lola, ingat po kayo dyan, nangangagat ang mga aso dyan.

Lola: Alam ko, iho. Sa tanda kong to, wala pa ‘kong nakitang aso na nanununtok. Adik.

Salamat sa Padala

Tuesday, June 12th, 2007

Dear Hon,

Maraming salamat sa mga padala mo galing Saudi! Sobrang tuwa ng mga bata. Si Nene, haping happy kasi imported chocolates ang baon sa school. Si Junior naman laging suot ang bagong rubber shoes! Pero hon, next time wag ka na magpadala ng Nivea Milk. Hindi type ng mga bata, mapait daw. Ako tuloy ang umubos kasi ayoko namang mapanis yon. Ok yun lang. Ingat ka dyan. Love you. Mwah. 

Your Hon,

Tina

Ganito ang itsura…

Tuesday, June 12th, 2007

parismais.jpg

…ni Paris Hilton pag isa syang mais. Paris Mais. Yun lang :)

Hanggang tatlo lang!

Tuesday, June 12th, 2007

Nanay: Bobo ka talaga! Magbilang lang hanggang sampu hindi mo pa kaya!

Anak: Eh mas bobo naman si tatay! Narinig ko kagabi sabi nya “Tama na Inday! Hanggang tatlo lang kaya ko!”

Awoooo!

Tuesday, June 12th, 2007

Multo: Awoooooo!

Bata: Wag poooooo!

Multo: K.

Si Winnie the Pooh!

Tuesday, June 12th, 2007

pooh_bear2_e0.gif

Tanong: Ano si Pooh, lalaki o babae?

Sagot: Babae sya. Kasi kung lalaki sya, dapat Winnie the Ti.

Hindi sya babae! Hindi rin sya lalaki! Bakla sya!!!

Tanong: Bakit??!

Sagot: Kasi naka hanging. Ahehehe

Si Beth!

Monday, June 11th, 2007

Kakakwento lang saking nga aking brother-in-law (sa tagalog ba ay kuya sa batas?) na si Jundee. Yung pinsan daw nya kasi, pediatrician. Syempre pagbata ang pasyente mo, siguradong may kasamang magulang yan. At sila ang nagkukumpleto ng info sheet ng pasyente.

Nilagay ng isang nanay sa “Name of Patient” e “Beth”

Dok: Ang “Beth” ho pa ay nickname lang ng bata?

Nanay: Opo.

Dok: Ano ho ang totoong pangalan nya?

Nanay: Alphabeth po.

Ahahaaaaaay tumbling!!! :)

Ang Tindahang Pagod!

Monday, June 11th, 2007

Ang mga bantay ng sari-sari store, napapagod din ang mga yan. Gaya nalang ng bantay ng tindahang ito, tila galit na sa pagod.

sorry.jpg

Sige na, pagbigyan nyo na. Mamaya naman.

For Sale!

Monday, June 11th, 2007

Ito ang mga sari-sari bagay na ibinebenta ko! Murang Mura lang! Bili na suki!

Panty na may Hello Kitty design, limang piso lang! Kaya nga lang, nangangalmot.

Meron ding panty na Snoopy naman ang design, limang piso lang rin, ito baka magustuhan nyo kasi nandidila.

Bra , anim na piso lang! Kaya lang long sleeves.

May isa pang bra, ito tatlong piso lang. Pero nagiging kamay pag gabi.

Pantyhose murang mura at four pesos! Pero baggy.

High heels bente lang! Kaya lang ang takong nasa harapan.

Plancha! Singkwenta pesos lamang! Hawakan ang umiinit!

Wheelchair ibinebenta ko ng dalawang daan. May kasamang lola!

Itong isa pang wheelchair dalawang daan din, walang lola. Pero de pedal.

Damit ng magnanakaw, isang daan isang set ng pantaas at pantalon! Kaso glow in the dark.

Bathing suit ng chika babes bente lang! Gawa sa maong.

Contact lens limang piso isang pares! Kaso may glitters.

Bagong Eye-Mo walong piso lang kada bote. Kaya lang, roll-on.

Helicopter singkwenta mil lang! Yung katawan ang umiikot.

Para bumili ng mga ito, tumawag lang sa teleponong kailangan muna angatin bago mag-ring! 1-800-Greenpinoy!

Ang tanda ng walang kamatayang pag-ibig…

Monday, June 11th, 2007

 zholid.jpg

…ay dapat i-pinta sa pader ng isang construction site sa Buendia para makita ng maraming maraming mga utaw. Ang zhweet! Zholid talaga forever (hanggat hindi natatapos ang construction)!

In Case of Emergency

Monday, June 11th, 2007

Kakatawa talaga dito sa opisina!

Magpapalit kasi kami ng ID kaya kailangan naming magsumite ng mga kinakailangang impormasyon. At isa dito ang “Person to contact in case of emergency”. May naglagay ng sarili nyang pangalan!!! Itago natin sya sa pangalang “Jobert”.

Na-imagine ko tuloy ganito ang mangyayari pag nagka emergency nga si Jobert!

Tatawagan ng secretary yung nakalagay sa information! 

Secretary: Hello Jobert? Naaksidente ka! Kailangang itakbo ka natin sa ospital!

Ahahaaaaaay! :)

Lumayas kasi buntis!

Monday, June 11th, 2007

Kumare 1: Mare, pwede bang tumira muna ako sa inyo? Lumayas ako sa amin kasi buntis ako.

Kumare 2: Dapat sa taong nakabuntis sayo ka pumunta!

Kumare 1: Kaya nga. Andyan ba si pare?

May na-aamoy!

Monday, June 11th, 2007

Bading 1: Tita, tigil tayo! May na-aamoy akong etits!

Bading 2: Gaga, nadighay lang ako!

Smoking Clean!

Sunday, June 10th, 2007

smokingclean.jpg

Kinuha ko tong picture na to sa isang vending machine sa Japan noon, pero hanggang ngayon hindi ko parin alam ang ibig sabihin ng nakasulat sa baba ng “Cigarettes”.  Baka kayo alam nyo. Tulungan nyo naman ako para makatulog na ako. Limang taon ko na tong pinagpupuyatan.

Mayaman VS Mahirap

Sunday, June 10th, 2007

Natanggap ko to sa email matagal na panahon na ang nakalilipas. Nakakatawa ang pagkasulat pero ang mas nakakatawa e alam kong marami sa atin ang guilty sa ganitong pag-iisip ahehe

Enjoy!

– 

Kung mayaman ka, meron kang “allergy”
Kung mahirap ka, ang tawag dyan ay “galis” o “bakokang”

Sa mayaman, “nervous breakdown” dahil sa “tension and stress”
Sa mahirap, “sira ang ulo”

Kung mayaman ka, “pneumonia” daw ang sakit mo
Kung mahirap, “TB” yon

Sa mayaman, “hyperacidity”
Kapag mahirap, “ulcer” dahil walang laman ang tiyan

Sa mayamang “malikot ang kamay”, ang tawag ay “kleptomaniac”
Sa mahirap, ang tawag ay “magnanakaw” o “kawatan”

Pag mayaman ka, you’re “eccentric”
Kung mahirap ka, “may toyo ka sa ulo” o “may topak” o “may sayad”

Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may “migraine”
Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay “nalipasan ng gutom”

Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is “scoliotic”
Pero kung mahirap ka, ikaw ay “kuba”

Kung ang señorita mo ay maitim, ang tawag ay “morena” o “sun tanned”
Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay “ita” o “negrita” o “baluga”

Kung socialite ka, ikaw ay “pleasingly plump”
Kapag mahirap ka, ika’y “tabatsoy” o “lumba-lumba” …pagminamalas ka, “baboy”

Kapag mayaman, “fasting” ang hindi kumain
Kung mahirap, “nagtitiis”

Kung well-off ka at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay “socialite”.
Kung mahirap ka, ikaw ay “pakawala” o “pok-pok”

Kung mayamang alembong ka, ang tawag sa iyo ay “liberated”
Pero kung isa kang dukha, ang tawag sa iyo “malandi”

Kapag mayaman, “misguided” o “spoiled” ka
Kung mahirap ka, “addict” o “durugista”

Kung may pera ka, ang tawag sa iyo “single parent”
Pero kung wala kang trabaho, ang tawag sa iyo “disgrasyada”

Kapag mayaman at sexy, “fashionable” daw
Kung mahirap, sigurado “GRO” o “Japayuki” ka

Ang tawag sa mayayamang puro gulay ang kinakain, “vegetarian”
Habang kakaawa ang mahirap na ” kumakain ng damo” ay walang pambili ng karne

Sa exclusive school, “assertive” ang mga batang sumasagot sa mga guro
Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot sa mga guro, ang tawag sa kanila ay “bastos”

Ang mayamang tumatanda, “are graduating gracefully into senior citizenhood”
Ang mga mahihirap ay “gumugurang”

Ang anak ng mayaman ay “slow learner”
Ang anak ng mahirap ay “bobo” o “gung-gong”

Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says, “masarap kang kumain and I like you, you do justice to my cooking”
Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host will say to himself na ikaw ay “patay-gutom”

Kung graduate ka ng exclusive school at sa ibang bansa ka nagtatrabaho, ang tawag sa iyo “expat”
Kung mahirap ka lang, ikaw ay “contract worker”

Ahehe alin dyan ang nagamit mo na?

Ang pwet…

Saturday, June 9th, 2007

pwet.jpg 

Kung gutom, kakain ng pantalon!

Ang S.G.A.

Saturday, June 9th, 2007

Mga kababayan! May bagong samahan na na-itayo upang tumulong sa ika-uunlad ng ating bayan! Hindi ko alam kung papano sila makakatulong para sa pag-asenso ng Pilipinas pero sabi nila oo daw! Ito ang S.G.A. o ang Samahang Gigil sa Apostrophe! Opo! Kung titingin kayong mabuti sa inyong paligid e makikita nyong kalat na kalat na ang kanilang mga trabaho! Eto ang mga halimbawa: 

mariz.jpg

hands.jpg

transportsvc.jpg

loves.jpg

PAUNAWA: Hindi sinusuportahan ng www.greenpinoy.com ang samahang ito. HINDI. Thank’s alot.

Ilang bese kang ginahasa?

Saturday, June 9th, 2007

Attorney: Iha, ilang beses kang ginahasa ng akusado?

Babae: Tatlong beses po…

Akusado: Hoy! Dalawang beses lang kitang ginahasa!

Babae: Bakeeeet? Hindi mo ba ibibilang yung nasa ibabaw ako?!

Si Erap!

Friday, June 8th, 2007

erap.JPG

Tanong: Ano ang middle name ni dating pangulong Joseph Estrada?

Sagot: Protgam!

Joseph Protgam Estrada! Nyahahaha! :)

Battle of the Brainless!

Friday, June 8th, 2007

Bata pa ako meron na nito, sa email, sa kwento at pati sa TV! Pero parang hindi na sila masyadong sikat ngayon. Sayang. Pero wag kayong malungkot kasi muli nating babalikan ang walang kamatayang labanan ng mga walang utak, ang ”Battle of the Brainless”! 

Host: Saang “B” binaril si Jose Rizal?

Contestant: Sa back?

Host: Mali, puwede rin na ang simula ay letter “L”.

Contestant: Sa likod!!!

Host: Saan “B” tayo madalas pumunta pag summer upang maligo?

Contestant: Banyo?

Host: Hindi, pag pumunta ka doon, maaarawan ka.

Contestant: Bubong?

Host: Hindi, marami kang makikita duong mga babaeng naka-bikini.

Contestant: Beerhouse!

– 

Host: Anong “S” ang ginagamit na flotation device sa dagat upang hindi ka malunod?

Contestant: Sirena?

Host: Hindi! Hindi ito babae.

Contestant: Siyokoy?

Host: Hindi ito lalake.

Contestant: Siyoke!

Host: Sino ang national hero na naka-picture sa 500 Peso bill? Clue, initials nya N.A.!

Contestant: Nora Aunor?

Host: Hindi. Lalaki sya!

Contestant: Guy?

Host: Hindi. Patay na sya!

Contestant: ANO??!! PATAY NA SI ATE GUY???!!! 

Host: 2 plus 2 equals…

Contestant: Three?

Host: Hindi, taasan mo pa!

Contestant: *falsetto* Three?

Host: Anong hayop ang katulong ng magsasaka sa bukid? Nag-uumpisa sa letter “K”.

Contestant: Kuto?

Host: Hindi, nakatira ito sa lupa!

Contestant: Kutong Lupa?

Host: Sino ang “Hero of Mactan”? Initials nya ay L.L.!

Contestant: Lito Lapid?!

Host: Hindi, inuulit ang pangalan nya!

Contestant: Lito Lito Lapid Lapid?

Host: Hindi, isang syllable lang to na inuulit!

Contestant: Lotlot?

Host: Mali!

Constestant: …and friends?

Host: Sino ang Concert Queen of the Philippines? Initials nya ay P.F.

Contestant: Pernando Foe?

Host: Ha?!

Contestant: …Junior?

Host: Ano ang National Fruit of the Philippines? Nag-uumpisa ito sa letter ”M”!

Contestant: Mais?

Host: Hindi, maasim ito!

Contestant: Panis na Mais?!

Host: Sino ang dating asawa ni Sharon Cuneta na tatay ni KC? Initials nya ay G.C.!

Contestant: Si GC Bunin!

Host: Ano ang dating National Bird ng Pilipinas? Nag-uumpisa ito sa letter ”M”.

Contestant: Manok?

Host: Mali! Naghuhuli ito sa letter “A”!

Contestant: Manoka?

Host: Maliit lang to!

Contestant: Little Manoka?

Host: Mali! Brown lang ito!

Contestant: Little Brown Manoka?

Host: TANGA! Lumilipad to!

Contestant: Flying Little Brown Manoka?

Host: Ano ang pangkaraniwang tawag sa “Sodium Chloride”? Clue, inilalagay nyo to sa itlog ng mga asawa nyo tuwing umaga!

Contestant: Pulbos!

Ahahaaaay ang kulet ni Constestant!!!
 

Ang Yaya Diksyonari!

Thursday, June 7th, 2007

Etong mga susunod na salita e galing sa ating mga cute and lovable yayabells! Parang mga bading, meron din ata silang sariling lenguahe! Ang mga salitang eto ay totoong nasambit at hindi kathang isip lamang!

1) Strim - Hipon

2) Malu-malu - Marshmallow

3) X-tray - Pang picture ng buto at laman loob

4) Letsus - Gulay pang salad

5) Cotamus - Pagkawalang malay ng matagal na panahon 

6) Istiwardi - Yung waitress sa eroplano

7) Wislayp - Yung boyband

8 ) Murneng - Umaga

9) Fenk - Ang kulay na lalabas pagpinaghalo ang red at white

10) Bagpak - Bag na para sa likod

Ahahaaay! :)

Hanapin ang mali!

Thursday, June 7th, 2007

bagtikan.jpg

Hanapin nyo ang mali sa litratong ito! :)

Hindi nakilala ang nang-rape!

Thursday, June 7th, 2007

Pulis: Nakilala mo ba yung nang rape sayo?

Girl: Hindi po ser…

Pulis: Bakit hindi mo nakilala?

Girl: Kasi po…naka 69 po kami. Hihihi.

Kabayo!

Thursday, June 7th, 2007

Babae: Hon, sino si Julia?

Lalaki: Ah, kabayo yun! Yung pinustahan ko sa karera kahapon.

Babae: Ah ganon? Sige, sagutin mo yung telepono, asa linya yung kabayo mo!

Tatlong mensahe mula sa Friendster

Thursday, June 7th, 2007

Itong tatlong mensaheng to, hindi para sakin (buti nalang!), nabasa ko lang sa isang profile ng banyaga na nagview sa friendster ni Bacheengoo at ito yung mga mensahe ng mga Pinay na friends nya! Enjoy!

“hi…. nice too meet you…thanks for join with me..”

“im just want you to be my friend”

“hello!wat kippin u BC?thnx!u add me!eventhough we dont know each other!nyway just kip in touch!my ym,xxxx ur so cute n fairness!i want to know u more.take care and Godspeed!”

So conyo naman the sign!

Wednesday, June 6th, 2007

butt2.jpg

“Sheeet! Like, ew! Someone made tapon ng butt ng yosi from the bintana! It fell on my buhok! Yuckeee chalaga! Yayaaaaa!”

“Teachers”

Wednesday, June 6th, 2007

Sila ang dahilan kung bakit naging masaya ang mga panahong iginugol ko sa elementary at high school!

Etong mga susunod na usapan ay totoong nangyari sa akin at sa aking mga kaibigan!

1) Out of the blue, tinanong ako ng ENGLISH teacher ko tungkol sa isang cartoon character.

Teacher: Who’s that cartoon character again?

Ako (sa isip lang): Gaga ka ang daming cartoon characters.

Teacher: The yellow bear…Oh! Foonie the Ver!

Ako: Mag-quiz na tayo mam.

2) History teacher ko discussing Adolf Hitler.

“Did you know that Adolf Hitler was a Germany?!”

3) Computer teacher ko tinanong kami kung bakit absent ang isang kaklase namin.

Kaklase ko: Mam may chicken pox po sya.

Teacher: Oh chicken fox!

Hindi ko napigilan, natawa ako. Nagalit ang teacher!

Teacher: You! What’s wrong with chicken fox?!

Ahahay! Humirit pa!

4) Ecology teacher ko ina-announce ang up coming film showing.

“Manonood tayo ng ‘Pliffer’. Yung dolpin.”

5) Teacher ng kaibigan ko sa Home Economics.

“Ok, for this recipe, we need one pepper bell.”

6) Kaklase ko, excited!

“Alam nyo na ba? Nasagasaan ng tricycle si sir! Nyahahaha!”

7) Yung Ecology teacher parin, kumakanta ng “Lost in Space” ng Lighthouse Family.

“Sometimes, I get tired, of this May First attitude…”

8 ) Bagong P.E. teacher, nagpapakilala.

“Hi. I’m Mr. XXX and I’m your permanent substitute teacher!”

9) Adviser ko nung elementary, gusto maging cute.

Teacher: Do you know what UST means?

Kami: University of Sto. Tomas mam!

Teacher: No…it’s Utot Sabay Tae!

Ako (sa isip lang): Teacher ka ba talaga?

10) Pamangkin kong pitong taong gulang, malungkot kasi may mali sya sa spelling quiz.

Ate ko: Don’t you know how to spell “loaves?”

Pamangkin ko: I do! But the teacher said “LOOBS”!

Buti nalang hindi lahat ng alam natin e natututunan natin sa ekwelahan ahehe

bungo.gif

Hindi tao ang tatay nya!

Tuesday, June 5th, 2007

daddy.jpg 

And Nanay was the pokpok standing there!

Tawag sa Pilipinas!

Tuesday, June 5th, 2007

Isang Pinoy sa US ang gustong tumawag sa Pilipinas…

Pinoy: Heyloow. Ay wud like to long distans da Pilipins, plis.

Operator: Name of the party you’re calling? 

Pinoy: Aybegurpardon? Can you repit agen plis?

Operator: What is the name of the person you are calling?

Pinoy: Ah, yes, tenkyu and sori. Da name of my calling is Elpidio Abanquel. Sori and tenkyu.

Operator: Please spell out the name of the person you’re calling phonetically.

Pinoy: Yes, tenkyu. What is foneticali?

Operator: Please spell out the letters comprising the name a letter at a time and citing a word for each letter.

Pinoy: Ah, yes, tenkyu. Da name of Elpidio Abanquel is Elpidio Abanquel. I will spell his name foneticali, Elpidio: E as in Elpidio, L as in lpidio, p as in pidio, i as in idio, d as in dio, i as in io, and o as in o.

Operator: Sir, can you please use English words.

Pinoy: Ah, yes, tenkyu. Abanquel: A as in Airport, B as in Because, A as in airport agen, N as in enemy, Q as in Cuba, U as in Europe, E as in important, and L as in elephant…Hello? Operator?

Salamat kay GerHARD para sa joke na to! :)

Masakit ang ulo sa opisina

Tuesday, June 5th, 2007

Ako (medyo maingay): Ang sakit ng ulo kooooooo!

Officemate mula sa malayo: Pabunot mo na!

Masaya ako at ang mga ka-opisina ko e makukulit! :) Nakaka-wala ng stresstabs!

Paris Hilton, Nasa Kulungan Na!

Tuesday, June 5th, 2007

paris.JPG 

Nakakulong na si Paris Hilton! Sa aming interview sa kanya, tinanong namin sya kung kamusta naman ang buhay sa kulangan. Ito ang kanyang sagot:

Jail is like, hot. Not hot as in HOT hot, but hot as in like, sweaty hot. Like the summer hot only it’s not like…summer. And it’s not hot. You know hot like drop it like it’s hot hot, or like me hot or like sexy rich boys who have the same name as me hot. So yeah, jail is hot…and not hot. Whatever.”


The Greenpinoy Store!

TWe're #2!

The Greenpinoy Forums!







Greenpinoy on YouTube!

Mabuhay ang Pilipinong Makulit!



The www.greepinoy.com readers' photo gallery!
The www.greepinoy.com readers' photo gallery!

Si Bertong Libag!



To the BATCAVE!!!

Jason Tengco Photography

Best Blogs in Asia

Humor Blogs - Blog Top Sites
Best Blogs in Asia

Humor Blogs - Blog Top Sites

A Pinoy Blogger

Blog Flux Directory

Add to Technorati Favorites

Pinoy Blogosphere

<textarea
Best Blogs in Asia

Humor Blogs - Blog Top Sites

A Pinoy Blogger

Blog Flux Directory

Add to Technorati Favorites

Pinoy Blogosphere

Humor Blogs - Blog Catalog Blog Directory

Proudly Pinoy!

HippoEsthetics!