Archive for May, 2007

Ganito Maglandian sa Txt TV!

Thursday, May 31st, 2007

Lalaki:

landian1.jpg

Babae:

landian2.jpg

Ahahaaay! I’m sfeetslezt!

Bad Tagalog Translations for English Movie Titles

Thursday, May 31st, 2007

1. Black Hawk Down - Ibong Maitim sa Ibaba
2. Dead man’s chest - Dodo ng Patay
3. I Know What You Did Last Summer - Uyy…aminin!
4. Love, Actually - Sa Totoo Lang, Pag-ibig
5. Million Dollar Baby - 50 Million Pisong Sanggol (depende sa FOREX)
6. The Blair Witch Project - Ang Proyekto ng Bruhang si Blair
7. Mary Poppins - Si Mariang May Putok
8. Snakes on a Plane - Nag-ahasan sa Ere
9. The Postman Always Rings twice - Ang Kartero Kapag Dumutdot Laging Dalawang Beses
10. Sum of All Fears - Takot Mo, Takot Ko, Takot Nating Lahat
11. Swordfish - Talakitok
12. Pretty Woman - Ganda ng Lola Mo
13. Robin Hood, Men in Tights - Si Robin Hood at Ang Mga Felix Bakat
14. 4 Weddings and a Funeral - Kahit 4 na Beses Ka Pang Magpakasal, Mamamatay Ka Rin
15. The Good, The Bad and The Ugly - Ako, Ikaw, Kayong Lahat
16. Harry Potter and The Sorcerer’s Stone - Adik si Harry, Tumira ng Shabu
17. Click - Isang Pindot ka Lang
18. Brokeback Mountain - May Nawasak sa Likod ng Bundok ng Tralala / Bumigay sa Bundok
19. The Day of the Dead - Ayaw Tumayo (kasi patay)
20. Waterworld - Basang-basa
21. There’s Something About Mary - May Kwan Sa Ano Ni Maria
22. Employee of the Month - Ang Sipsip
23. Resident Evil - Ang Biyenan
24. Kill Bill - Kilitiin sa Bilbil
25. The Grudge - Lintik Lang Ang Walang Ganti
26. Nightmare Before Christmas - Binangungot sa Noche Buena
27. Annie Hall - Ang Butas ni Annie
28. Never Been Kissed - Pangit Kasi
29. Gone in 60 Seconds - 1 Round, Tulog
30. The Fast and the Furious - Ang Bitin, Galit
31. Too Fast, Too Furious - Kapag Sobrang Bitin, Sobrang Galit
32. Dude, Where’sv My Car - Dong, Anong Level Ulit Tayo Nag-park?
33.  The Lord of the Rings - Ang Alahero
34. Beauty and the Beast - Ang Asawa Ko at Ang Nanay Nya

Salamat kay GerHARD para sa listahang ito! :)

Pinakamahinhing babae

Thursday, May 31st, 2007

Jose : Alam mo Maria, ikaw ang pinakamahinhing babaeng nakilala ko.
   
Maria : Binobola mo naman ako e…
   
Jose : Hindi kita binobola . Totoo sinasabi ko!
   
Maria : Tumigil ka nga! Chupain kita dyan e!

Salamat kay Hazel para sa joke na to! :) 
 

Si Pikachu!

Thursday, May 31st, 2007

pika.JPG

Tanong: Ano ang first name ni Pikachu?

Sagot: Cherry Pie.

Cherry Pie Pikachu! Nyahahaha!

Ang daming bawal!

Wednesday, May 30th, 2007

maraming-bawal.jpg 

Pero pwede umihi ahahaha!

Pag-ibig o kaibigan

Wednesday, May 30th, 2007

Pedro: Pare pinag pili ako ng misis ko kung ano mas importante, pag-ibig ba daw o kaibigan!

Juan: Kaya ka andito ngayon kasi pinili mo kaibigan, ganon ba pare?

Pedro: Hindi pare, pag-ibig pinili ko. I love you!

Mabilis ang balita!

Wednesday, May 30th, 2007

Isang mama tumae sa dyaryo sa isang sulok. Nakita ng sekyu.

Sekyu: Bakit ka tumae dyan?

Mama: Hindi ah!

Sekyu: Oo! Nakita ko nasa dyaryo!

Mama: WOW! Bilis ng balita! Kakatae ko lang nasa dyaryo na agad!

Kyla

Wednesday, May 30th, 2007

kylie.JPG

Minogue.

Seryoso. May kaibigan akong akala nya talagang Kyla Minogue. Ahahaaay!

Wooshoo! Di nga?

Tuesday, May 29th, 2007

diplomat.jpg

Diplomat daw!!!

Galit na galit ako!

Tuesday, May 29th, 2007

Dear Nanay at Tatay,

Bakit ninyo ibinenta yung kalabaw? Alam nyo namang akin yon! Pinaghirapan kong palakihin yon! Ang laking tulong sa akin ng kalabaw na yon sa ating bukiran! Galit na galit ako sa inyo, nanay at tatay! Galit na galit ako! Mula ngayon, kalimutan nyo nang anak nyo ako at kakalimutan ko na na mga magulang ko kayo!!! Hindi nyo na ako anak!

Your friend,

Boyet

The Presidential Quiz

Tuesday, May 29th, 2007

gloriaorg.JPG

1) Sa larawang ito, si Gloria ay:

a. nag-o-orgasm

b. nag-o-orgasm

c. nag-o-orgasm

gloria1.JPG

2) Dito sya ay:

a. sumasayaw ng Boom Tarat Tarat

b. sumasayaw ng I-taktak mo

c. nanggugulat

gloria3.JPG

3) Bad trip sya dahil:

a. may mga paparazzi pero di sya pinapansin

b. napaparanoid syang may papatay sa kanya

c. narealize nyang hindi na sya tatangkad

gloria2.JPG

4) Sabi ni Gloria “Ako si…”

a. Spiderman!

b. Harry Potter!

c. Ina Magenta!

gloria6.JPG

5) Ang kilos na ito ay:

a. nanunumpa sa tungkulin

b. mananampal ng katulong

c. papatay ng lamok

gloria7.JPG

6) Nagdarasal si Gloria na sana…

a. tumaas ang popularity rating nya

b. makahanap na sya ng ibang asawa

c. wala sanang gumawa ng mga ganitong quiz tungkol sa kanya.

Baragats Daragats

Monday, May 28th, 2007

Ilang seconds bago nyo nagets? Ahehehe

Magbilang ng pera ng parang bading!

Monday, May 28th, 2007

1 Piso = 1 Pokels

1 Hundred = 1 Hammer 

1 Thousand = 1 Kiaw 

Halimbawa:

P 1,553 = One Kiaw, Five Hammer at Nyifty-three Pokels!

Ang cute no? Ahehe :)

What is your date of birth?

Monday, May 28th, 2007

ATTORNEY: What is your date of birth?

WITNESS: July 18th.

ATTORNEY: What year?

WITNESS: Every year.

*Onga naman!

Salamat kay Gerhard (hmmm hard…haha) para sa joke na to! :)

Hello Banker?

Monday, May 28th, 2007

Nung isang araw, kinuha ko ang mga labada ko mula sa palabahan. Pag-uwi ko, napansin kong parang maliit yung mga pantalon ko. Nilabas ko mula sa pagkakabalot at hindi nga akin. Pati mga polo, hindi rin akin! Ang liliit lahat! 

Eh di bumaba ako sa palabahan at ibinalik ko yung mga damit.

Ako: Manang hindi akin mga to…

Manang: Ay! Kay banker yan!

Ako: Sinong banker?

Manang: Yung sa Del or No Del, yung tinatawagan ni Kris Aquino! Dito rin yan nakatira e!

060606-dealornodeal.jpg

WOW! Nakahawak ako ng damit ng “celebrity“! Saya.

Ang Macho Shoulder Bag

Monday, May 28th, 2007

bag.jpg

Nakita ko ang lalaking to sa mall. Kapansin-pansin na ang bag nya ay pambabae. Tinignan ko kung may kasama syang girlfriend kasi mukang uso ngayon yung dala-dala ng boyfriend ang bag ng girlfriend at kung shoulder bag ito, nakasabit din dapat sa shoulder ng lalaki ang bag. Bongga ang boyfriend hahaha Pero anyway no way all the way to the highway, walang kasama itong lalaking to. Ito na ba ang bagong uso ngayon, ang macho shoulder bag*? O sadyang bading lang tong lalaking to? Kung uso nga, isa lang masasabi ko: tiba tiba ang Secosana! 

 * Hindi ito yung mga shoulder bag na panlalaki, kasi meron talaga non (meron ako ahehe). Ito yung mga shoulder bag na para sa babae talaga, na ginagamit ng lalaki, sa dahilang  hindi ko alam.

Worried!

Monday, May 28th, 2007

Pasyente: Dok, worried ako kasi sobrang libog ko!

Dok: Ok, bibigyan kita ng gamot na pampatanggal ng libog!

Pasyente: Dok, yung pampatanggal nalang ng worry!

Salamat kay Oli para sa joke na to! :)

Pagbati!

Monday, May 28th, 2007

Tanong: Anong sabi ng isang statwa sa kapwa statwa ng nagkita sila uli makalipas ang maraming taon?

Sagot: “Hey! Statue?!”

Tanong: Anong sabi ng hip-hop na isda sa isa pang hip-hop na isda nung nagkasalubong sila?

Sagot: “Yo! Sapsap!”

Tanong: Anong sabi ng pekpek sa tatlong lalaking nakasalubong nya?

Sagot: “Hi Men!”

Ngeeeee! :)

Ito ang Customer Service!

Sunday, May 27th, 2007

Si Denzel!

Sunday, May 27th, 2007

Tanong: Anong apelyido ni Denzel?

Sagot: Weta.

Denzel Weta! Nyahahaha! :)

Karamihan ng alam ko, natutunan ko sa banyo.

Saturday, May 26th, 2007

 glowbach1-2.jpg

Nahuli ko si Bacheengoo sa banyo na nagbabasa ng dyaryo. Kaya pala ang tagal tagal na nya, kala ko tuloy na flush na sya.

Hindi ko sya pinagalitan, kasi ganon din ako. Parang hindi kumpleto ang pag-jebs kung walang binabasa. Sigurado kayo ganon din!

Naalala ko nung bata ako ang binabasa ko banyo pag natapos ko na lahat ng mga magazines o mga comics ko e mga labels ng shampoo, sabon, conditioner, toothpaste at pati balot ng napkin! Kaya ngayon tanungin nyo ako sa main ingredients ng shampoo e masasagot ko kayo haha Nung nagsawa na ako sa mga product labels e encyclopedia naman ang sinunod ko. Tapos galit na galit ang yaya ko kasi hindi ko binabalik sa lalagyan yung mga kinukuha kong libro. Kaya minsan, umabot sa limang volumes ng encyclopedia ang nasa banyo.

Malaki ang naitulong sakin ng pagbabasa sa banyo. Ang dami kong natutunan sa mga maiikling sandaling nag-iisa ako. Mula sa kalokohan hanggang sa relihyon, sa cartoons hanggang sa politika. Sa tingin ko nga karamihan ng alam ko, natutunan ko sa banyo.

Hanggang ngayon, ganon parin ako, mahilig magbasa habang naka-upo sa trono, pero syempre hindi na encyclopedia ang binabasa ko. Porno na ahehehe biro lang :)

Ulan ng etits

Saturday, May 26th, 2007

Apo: Lola pano kung isang araw ay umulan ng etits? Ano ang gagawin nyo?

Lola: Naku apo, makulimlim pa lang, hubad na ako!

Isang Chinese sa kanyang death bed…

Saturday, May 26th, 2007

Chinese: Aki asawa ajan ba?

Asawa ng Chinese: Oo. Andito ako…

Chinese: Aki panganay ajan ba?

Panganay ng Chinese: Opo papa.

Chinese : Aki bunso ajan ba?

Bunso ng Chinese: Opo papa.

Chinese: Wala hiya kayo. Di kayo laat wala tao tindahan!!!

I’m Bringing Sexy Bak(tong)!

Friday, May 25th, 2007

Maswerte ang babae. Alam nyo bakit? Kasi may bra sila. Hindi sila nabibiktima ng baktong (maliban na lang kung sinlaki ng siniguelas ang mga utong nila at hindi kayang itago ng bra).

Sa hindi nakaka-alam, ang “baktong” ay pinagsamang “bakat” at “utong” na ang ibig sabihin ay…bakat ang utong.

baktung.jpg

Para sa aming mga lalaking hindi papasok ang tubo ng utong (sa ingles e “inverted nipples”), madalas kaming mapagtawanan dahil sa baktong.

Sa opisina, kahit may undershirt na ako, baktong parin ako (baka rin kasi masyadong maginaw). Tuwing casual Friday mas malala kasi madalas naka T-shirt lang ako. Akala nila parati akong tag-libog. Oo nga, pero parang hindi talagang indikasyon ng libog ang baktong, ang etits na bakat yun.

Hindi ko alam kung bakit laging matitigas ang mga utong ko. At lalong hindi ko ginugustong nakadisplay ang aking mga man-nipples. Noon nga naisipan kong lagyan ng band aid ang mga ito, pero naisip ko rin, kung undershirt nga hindi kayang maitago ang bakat, band aid pa kaya?

Nabubuhay ako ng may mga utong na nakatirik. Tanggap ko na na hindi na sila lalambot o mawawala, maliban nalang kung gupitin ko ang mga ito ng nail cutter.

Kumapit ka sa palda ko!

Friday, May 25th, 2007

Sa mall

Nanay: Anak, kumapit ka sa palda ko ha para hindi ka mawala!

Makalipas ang dalawang oras…

Nanay: Guard, may nakita ka bang bata na may dalang palda?!

Buhay ka pa!

Friday, May 25th, 2007

Office mate ko asa telepono kausap ang ospital kasi kinukumusta nya yung biopsy ng tinanggal na growth sa bibig nya. Itago natin sya sa pangalang “Nootsa”.

Nootsa: I’d like to follow up on my autopsy please…

 Ahahaaaay buhay ka pa! :)

Picture Perfect!

Thursday, May 24th, 2007

Ang ganda ganda mo. Buhok mo, derechong derecho, parang nagparebond pero sa totoo shampoo lang. Makeup mo ang ganda, hindi halatang San-san. Damit mo, bongga. Sapatos mo ang taas na takong. Ayos, ready ka na para sa party. Sige asa party ka na, sayaw sayaw, kain ng konti, inom ng konti. Chika chika with the kumares and the kumpares, tapos chika with the possies and the homies. Tapos chika with the mamas and the papas. Tapos chika with the yayas. Enjoy na enjoy ka! Tapos may maglalabas ng camera. “Picture! Picture!” Syempre ikaw retouch agad! Ayos ng buhok, ayos ng makeup, lipstick uli ng konti.

Ok! 1…2…3!” *Click!*

Dapat masaya ka kasi na picturan ka. Pero parang iba ang pakiramdam mo. Parang hindi ka picture perfect. Parang may mali. Kung feeling mo e nung nag click ay medyo nakapikit ka, malamang sa malamang, tama ka. Bad trip no? Natulad ka sa kanila ahehehe

eyes.jpg

Bocaue!

Thursday, May 24th, 2007

Host: If you had a foreigner friend, where will you bring him to showcase the beauty of the Philippines?

Contestant: In Bocaue!

Host: Bocaue? Why Bocaue?

Contestant: Because it’s a magnificent place!

Host: Which part of Bocaue?

Contestant: The Bocaue Rice Terraces!

Suportahan ang Bagong Rebolusyon!

Thursday, May 24th, 2007

Tama na. Sobra na. Balikan na!

Balikan na ang dati at tamang pamamaraan ng pagsusulat!

txt.gif 

Suportahan ang Bagong Rebolusyon!

Iligtas ang mga patinig!

Itgl n ang pgsusulat n prang txt prti! Pgod n pgod n Q!

Salamat kay Alex (The Construct) at sa Tinypic.com para sa banner! :)

Masakit ang leeg

Thursday, May 24th, 2007

Isang araw, masakit ang leeg ng kaibigan ko…

Kaibigan ko: Masakit ang leeg ko…

Inday: Ati, baka may stef nick ka!

Ahahaaaay cartwheel! 

Si Palito!

Wednesday, May 23rd, 2007

36448047727411l.jpg

Tanong: Ano ang apelyido ni Palito?

Sagot: Lippi.

Palito Lippi! Nyahahaha

Utak at Puso

Wednesday, May 23rd, 2007

Tanong: Bakit ang utak ay nasa ulo at ang puso ay nasa dibdib?

Sagot: Ang pangit kasing tignan na pag in-love ka e tumitibok ang ulo mo at kung nag-iisip ka e hinihimas mo dede mo!

Bukas Nalang Kita Mamahalin

Tuesday, May 22nd, 2007

Babae ka ba o lalake?!

Tuesday, May 22nd, 2007

May anak na bakla si Juan. Galit na galit sya dahil nasisira ang reputasyon nya.

Juan: (Inilubog ang ulo ni Junior sa drum ng tubig) Babae ka ba o lalake?!

Junior: (Pag-ahon) Babaeeeee!

Juan: (Galit na galit- inilubog ulit ang ulo ni Junior ) Babae ka ba o lalake?!

Junior: (Pag-ahon) Babaeeeee!

Juan: (Galit na galit- inilubog ulit ang ulo ng anak ng mas matagal) Babae ka ba o lalake?!

Junior: (Nakalulon ng tubig) SIRENAAA! SIRENAAAAAA!!!!

Extra Joss!

Tuesday, May 22nd, 2007

extrajoss.JPG

Langyang Extra Joss yan.

First time ko kasing uminom ng isang buong baso ng Extra Joss. Binigyan ako ng office mate ko ng isang pakete para daw matikman ko. Ok naman ang lasa, parang pineapple juice na matabang (o baka lang ang dami kong nalagay na tubig). Pero hindi yun ang problema ko. Ang problema ko ngayon, ang sakit sakit ng ulo ko. Para akong ma-iistroke. Isinusumpa ko ang Extra Joss.

Pero hindi lang naman sakit ng ulo ang naibigay sakin ng energy drink powder na to. Meron din naman naibigay sakin tong masasayang kwento!

Unang Kwento: Juice

May kalaro ako sa tennis dati na matigas ang dila. Sabi nya ang sarap daw ng Extra Juice. Hahaha

Ikalawang kwento: Diyos

Tanong: Ilan ang Diyos?

Sagot: Isa!

Tanong uli: Eh bat may Extra Joss? Ahehe

Ikatlong kwento: Tricycle driver

Nung asa Jakarta ako, sabi sakin ng kaibigan ko yung mga tricycle driver daw dun nagkakasakit na dahil nasosobrahan sa kakatira ng Extra Joss ahaha ewan pero natatawa ako sa konsepto ng Death by Extra Joss!

Ika-apat na kwento: Beer + Extra Joss

Hindi ito nakakatawa. Weird lang. Subukan nyo lagyan ng Extra Joss ang beer nyo. May mga kilala akong adik sa ganitong mix. Ako nasusuka lang ahahaha

Ikalimang kwento: Commercial

Ewan ko lang kung sino ang nag-isip na mas convenient ang Extra Joss kesa sa nakaboteng energy drink. Sa Redbull o Lipovitan, bubuksan mo lang yung bote ok na pwede mo na inumin. Sa Extra Joss, kailangan mo pang timplahin sa baso (o sa kahit anong lalagyan). Wala ka ngang bote, pero kailangan mo naman ng tubig at lalagyan, na pwedeng bote rin. Tanong ko lang, alin sa dalawa ang mas madali?

Ika-anim na kwento: “Ang Lakas ay wala sa bote!”

Malamang kasi hindi naman yung bote ang iinumin mo shungak.

I’ll say it again: Isinusumpa ko ang Extra Joss.

Totoo ang multo!

Monday, May 21st, 2007

grudge.jpg

Eto ang pruweba! Nakita ko sa isang bus sa Japan!

Ahahay ang tatay ni Sadako!

 

Matakot kayo!

Monday, May 21st, 2007

putol2.jpg

 Sigurado ako matapang lang ang iihi sa pader na to.

Dear Ate Charo

Monday, May 21st, 2007

Dear Ate Charo,

Problema ko po asawa ko manyak! Nagluluto ako sex kami! Nagpaplantsa ako, sex kami! Kahit naglalaba ako o nanonood ng TV, sex parin kami!

Paalam na po kasi aaahhhh…oooohhhhh…ayan na…namaaaaan!

Alex

Monday, May 21st, 2007

Use “Alex” in a sentence.

“Pag di nyo naintindihan ang lecture, sabihin nyo lang. ALEXplain again.”

Ngeeeeeee! :)

Ang Manyakis na Astronaut

Sunday, May 20th, 2007

astro.jpg

Sa sobrang kagwapuhan at kasexyhan ko, hindi napigilan nitong astronaut ang kanyang sarili. Lumapit sya sakin at bigla nalang nyang hinawakan ang pwet ko! Nagsampa na ako ng kaso. Anong kaso? Frustrated Sexual Harassment…kasi di nya tinuloy. Kala nya kasi ayaw ko e nagulat lang naman ako. Ahahaaay SLURT*!

*SLURT: Slut Alert

May galit sa panget

Sunday, May 20th, 2007

ugly2.jpg 

Not authorized na ano? Mukang malaki ang galit ng taong nagsulat nito sa mga panget.

Fresh from Pangasinan pa tong pic na to hehe salamat Maggie! :)

Thermometer

Sunday, May 20th, 2007

Babae: Dok, may lagnat ako…

Dok: Sige, papasukan ko ng thermometer ang pwet mo. Hubad ka na tapos tumuwad ka.

Naghubad ang babae at tumuwad.

Dok: O ipapasok ko na ang thermometer ha?

Babae: Dok, maling butas ata pinapasukan nyo, hindi ko po pwet yan.

Dok: Ok lang, di rin naman thermometer ang pinapasok ko!

Mark? Marc?

Sunday, May 20th, 2007

Sa isang call center

Agent: Hi may I have your name please?

Caller: Mark.

Agent: Is that Mark with a “C” or with a “K“?

Caller: With an “M“!

Thanks for the story Nucha :)

Winner! Pero ano daw?

Saturday, May 19th, 2007

“I already DECIDED!!.. and nobody can STOP ME!!.. all we need is STRENGTH, ENERGY and a STRONG CONFIDENT!!.. there is NO RACE to WIN!!.. but there is only a JOURNEY to ENJOY!!.. LIVE YOUR LIFE FAT ASS!!.. lol =) this is it!!.. KEEP SMILING!!.. =D”

Kung may contest sa pinaka pakshet na shoutout sa Friendster, ito ang mananalo.

Basa. Basang basa.

Saturday, May 19th, 2007

Kung susumahin ko ang araw na to gamit ang isang salita lang, ang salitang gagamitin ko ay ang salitang “Basa”.

Oo. Buong araw akong basa.

Dinala ko mga pamangkin ko sa Enchanted Kingdom. 10 palang andun na kami kasi Sabado, inisip namin baka maraming tao. Ayun, andun kami, nagrarides mula alas-dyis hanggang alas-dose! Sunog na sa init ng araw, basang basa pa sa pawis.

Nang mapagod kami sa rides, nanood kami ng Pirates (mais kung mais) sa 4D Theater. Anak ng pirata, pati dun basa kami. Pero talsik talsik lang naman.

Lunch. Nabuhos ng pamangkin ko ang inumin nya. Yes, basa.

After lunch, Log Jam (for the longest time akala ko Log ‘Jump’). Basa.

Ng dalawang beses.

Sa unang round.

Eh two rounds kami.

So apat. 

Katapos ng Log Jam? Eh ano pa! Ang lecheng Rio Grande. Nagsusumigaw na BASA.

At kumusta naman ang wallet at cellphone na hindi iniwan kay yayabells? Yung wallet ok lang. Yung cellphone ko…nasira. Pinatay ko, sinindi ko. Sumindi naman pero hindi na nya mabasa ang memory stick. Haaaaaaay pakshet. Medyo uminit ang ulo ko. Habang nagmamaneho pauwi, panay check ko phone ko kung ok na. Tumawag ako, ok naman. Nagtext at nagpatext ako ayos. Kaso wala parin ang memory stick. “No Memory Stick Found”. Pucha, kaputen na talaga! Pano na yung porno sa telepono ko!?!?!?!?

Dederecho na sana ako ng Glorieta para ipaayos to. Pero sabi ko sa sarili ko isang subok pa. Eto na. Tinganggal ko ang memory stick…sinuksok ko uli ito ng dahan dahaaaan. “Click!”. Sinubukan kong magbukas ng file. Lumabas ang sand timer! MAY HIMALA! Nabasa ang steeehk! Nabasa ang steeeeeehk! Hindi na ako tumuloy ng Glorieta pero pupunta akong Greenhills bukas para i-trade-in na ang teleponong serena habang gumagana pa to.

Lesson: Wag bibili ng second hand cellphones sa Greenhills dahil dun benebenta ang mga cellphong sumawsaw sa kung saan.

Ang tunay na ibig sabihin ng K.S.P. ay…

Saturday, May 19th, 2007

Kulangot Sa Pader. :D

Salamat sa mga pamangkin kong loka-loka haha cute talaga ng humor ng mga bata.

Isang pelikulang Disney :)

Friday, May 18th, 2007

ngbbs42be0e9364d57.gif

Kung marumi ka mag-isip, hindi mo iisiping pinapa-inom lang ng gatas nung bear yung batang fox ahehe :D

Maling network ata napadalhan…

Friday, May 18th, 2007


distiny.jpg

Try mo sa Destiny Dhexter. Baka dun pumasok hehe

Hearing aid

Friday, May 18th, 2007

Pedro: Galing ako sa duktor, nakabili na ako ng hearing aid. Ang linaw na ng pandinig ko!

Juan: Talaga? Magkano naman bili mo?

Pedro: Kahapon lang!

Answered Prayer

Friday, May 18th, 2007

Tumatakbo ang isang estudyante dahil male-late na siya. Nagdasal siya:

“Diyos ko, tulungan niyo po sana akong ‘wag ma-late.”

Sa kanyang pagmamadali, nadapa siya.

“Diyos ko naman, ‘wag niyo naman po akong itulak!”


TWe're #2!

The Greenpinoy Forums!





Greenpinoy on YouTube!

Mabuhay ang Pilipinong Makulit!



The www.greepinoy.com readers' photo gallery!
The www.greepinoy.com readers' photo gallery!

Si Bertong Libag!



To the BATCAVE!!!

Jason Tengco Photography

Best Blogs in Asia

Humor Blogs - Blog Top Sites

A Pinoy Blogger

Blog Flux Directory

Add to Technorati Favorites

Pinoy Blogosphere

Humor Blogs - Blog Catalog Blog Directory

Proudly Pinoy!

HippoEsthetics!


Google