1st Greenpinoy Family Outreach Program! :)

Malugod namin kayong inaanyayahang sumali sa kauna-unahang Outreach Program ng Greenpinoy Family!

Sa pangunguna ni Chroneicon (Chie), mag kakaroon tayo ng munting pagtulong sa mga piling pasyente sa UP PGH (Taft Avenue, Manila). Ito ay para mapa-abot ang saya ng nabibigay sa atin ng ating GP Pamilya sa mga kapatid nating nangangailangan.

Saan: UP PGH, Taft Avenue, Manila

Kailan: Ngayong darating na Sabado, August 23, 2008, 9 am to 12 noon

Magkikita-kita ang mga dadalo sa Wendy’s PGH malapit sa Pedro Gil LRT Station.

Ano ang mga pwede nyong dalhin malaban sa inyong mga sarili at intensyong tumulong:

  • mga damit
  • kumot
  • toiletries gaya ng sabon, shampoo, toothpaste, etc
  • pagkain gaya ng mga prutas at inumin
  • mga laruan para sa mga bata

Kung maaari rin sana ay magsuot tayo ng puti o green na tshirt para may tema ang grupo :)

Kung nais nyo namang magpa-abot nalang ng tulong, wag kayong mag atubiling kontakin kami dito o sa forums.

Para sa mga iba pang detalye, punta lang sa THREAD NA ITO.

Maraming maraming salamat at Mabuhay ang Pilipinong Makulit!

facebook twitter Google Buzz MySpace delicious