1st Greenpinoy Family Outreach Program! :)

Malugod namin kayong inaanyayahang sumali sa kauna-unahang Outreach Program ng Greenpinoy Family!

Sa pangunguna ni Chroneicon (Chie), mag kakaroon tayo ng munting pagtulong sa mga piling pasyente sa UP PGH (Taft Avenue, Manila). Ito ay para mapa-abot ang saya ng nabibigay sa atin ng ating GP Pamilya sa mga kapatid nating nangangailangan.

Saan: UP PGH, Taft Avenue, Manila

Kailan: Ngayong darating na Sabado, August 23, 2008, 9 am to 12 noon

Magkikita-kita ang mga dadalo sa Wendy’s PGH malapit sa Pedro Gil LRT Station.

Ano ang mga pwede nyong dalhin malaban sa inyong mga sarili at intensyong tumulong:

  • mga damit
  • kumot
  • toiletries gaya ng sabon, shampoo, toothpaste, etc
  • pagkain gaya ng mga prutas at inumin
  • mga laruan para sa mga bata

Kung maaari rin sana ay magsuot tayo ng puti o green na tshirt para may tema ang grupo :)

Kung nais nyo namang magpa-abot nalang ng tulong, wag kayong mag atubiling kontakin kami dito o sa forums.

Para sa mga iba pang detalye, punta lang sa THREAD NA ITO.

Maraming maraming salamat at Mabuhay ang Pilipinong Makulit!

18 Responses to “1st Greenpinoy Family Outreach Program! :)”

  1. 1st Greenpinoy Family Outreach Program! :) - PinoyPortal, Pinoy News, Philippine News, Philippine Events Says:

    […] View post details at Greenpinoy […]

  2. Rosalie Says:

    Greenies!
    Good luck sa outreach.
    Mabuhay!

  3. silverfox05 Says:

    uhm.. i’ve been an avid fan of your site.. but i don’t really comment or join the forums..

    can i still come though?

  4. chroneicon Says:

    silverfox, pwedeng pwede ka sumama. just browse the forums for more info.

    or kung may questions kayo, add nyo lang ko sa ym

    chroneicon1984

  5. chroneicon Says:

    and xangapala,

    dahil nytshft ako. tulog ako pag hapon hehe. usual online time ko:

    11pm to 1pm

    pwede nyo ring kontakin si gp

  6. ayz Says:

    sabay bawi ng statement e. hahahha

    pwedeng pwedeng sumama ang lahat ng gustong sumama :D isipin nateng lahat na di lang para sa kanila ang ginagawa naten, kung di para sa sarili din naten..

    let’s share our blessings to other people :D

  7. damdam Says:

    see you all bukas!

  8. shayleigh Says:

    yehey!! see you all… bukas na pala un? huwebes pa lang kasi dito… :P

  9. Leyn Says:

    nananawagan ako sa inyong lahat na magreply samin ni kdr bukas pag nakasunod kami. ;) good luck! sana naghanda kayo ng program. hehe.

  10. Leyn Says:

    guys, pakidagdagan yung kumot nyo.

    wala kasi akong kumot.

    nyahahaha. ang aga naman pala 9am!

  11. greenpinoy Says:

    silverfox! oo naman game! sama ka :)

    maraming salamat sa lahat!

  12. Axel Says:

    @Leyn >> payakap ka na lang kay KDR… lol

    Yehey!!! Excited na ko, kita kitz bukas…

  13. silverfox05 Says:

    salamat po.. :)

    san ko po pala lalagay yung mga donations? :)

  14. chroneicon Says:

    salamat po sa lahat ng pumunta kanina!

    alam kong marami tayong nakuhang kwento at aral na maipapasa natin sa mga kasama natin sa buhay.

    umpisa pa lang to. may 2 projects na agad na kasalukuyang pinaplano.

  15. damdam Says:

    salamat at MABUHAY sa lahat ng nagpunta kanina..

    may mga susunod pang mga ganitong activities…

    sama kayo next time…

    @ para sa mga bihirang sumama na dumalo, mga may trabaho pa after the outreach, mga di pa natulog dahil galing shit este shift, mga kinagalitan at tumakas sa mga lablyps nila… maraming salamat sa konting oras na nilaan ninyo…

    matagumpay!

    kaya iinom natin yan!

  16. axel Says:

    Saya ng outreach natin mga greenies… Ayos talaga, kahit papano naibahagi natin hindi lang ang mga magagandang bagay na natatanggap natin kundi pati ang oras at pag-unawa sa kanila…

    Salamat uli sa lahat ng sumama… Hindi na ko makapaghintay sa mga susunod na activities natin… Worth it ang mga away… lolz… shhhh

    Hehehe…

    Peace to all… and Nice Job!!!

  17. chriscapade Says:

    wow.. ibang level na kayo ha.. sana sa next outreach makasama na ako.

  18. greenpinoy Says:

    maraming maraming maraming salamat sa mga dumalo at nagbigay ng tulong kahit pa nasa ibang bansa sila! sa mga dati naming kaupisina na nagkalap ng perang pang donation maraming maraming salamat sa inyo!!! :)

Leave a Reply